Chapter 4

39 0 0
                                    

Mag-isa akong umuwi habang bitbit ang mga weapons na ginamit at pinagpractisan ko kanina, ginawa ko ring bracelet ang kwintas na naiwan nong lalaking nakarobe kanina. Buti na lang at dala ko ang Infinity bag kaya naipasok ko lahat ng mga gamit. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako sa kwintas na naiwan nya.

Sandali akong napatingin dun habang naglalakad at napabuntong hininga, kahit na nasa sakin ito mahihirapan pa rin akong hanapin sya dahil sino ba namang nasa maayos na pag-iisip ang aako nun kung alam nya namang mahuhuli sya sa pamamagitan non, pero who knows baka hindi nya alam na naiwan nya yun sakin.

Pero ang mas ipinagtataka ko ngayon ay ang biglaang pagkwala ni Adrian, asan na kaya yun? Hindi nya na ako binalikan, kaya ayun mag-isa tuloy akong umuwi. Bibili lang daw sya ng pagkain pero hindi na bumalik. Humanda talaga sya sakin pag nagkita kami.

Sa hindi malamang dahilan ay kinakabahan ako dahil may hinala ako na  sana ay hindi totoo, ilang beses ko na kasing napansin na sa tuwing sumusugod yung lalaking yun ay umaalis si Adrian o di kaya ay wala sya.

Ayokong pagbintangan sya o pagisipan ng masama pero may posibilidad na sya ang lalaking yun, pero bakit? At ano ang rason nya para gawin yun? Kung sya nga ang lalaking yun, bakit nya pa ako kinaibigan? Parte lang ba  yun ng plano nya para lokohin ako kung sakaling maisagawa nya na ang plano nya?

Napabuntong hininga ako, ayokong mangyari yun, si Adrian maliban kay papa ang isa sa pinakapinagkakatiwalaan ko at ayokong masira yun, ayokong mawalan ng isang mabuting kaibigan at kapatid, pero kung sakaling totoo man ang hinala ko, hindi ko  alam kung ano ang gagawin ko. Hindi ko  alam kung magagalit ba  ako o hahayaan ko na lang yun, pero mahirap, kaya sana ay hindi magkatotoo ang hinala ko.

“Iana.”kumunot ang noo  ko nang marinig na may tumawag sakin kaya lumingon ko. Napatigil ako at tiningnan si Adrian na tumatakbo palapit sakin. Hinihingal sya na para bang may ginawang nakakapagod. Tinaasan ko sya ng kilay nang lumapit sya sakin at akmang kukunin angmga dala ko.
“Saan ka galing? Ang tagal mo, kanina pa ako naghihintay sayo, nainip ako kaya umuwi na ako, kailangan ko pang magpahinga para bukas.Bibili ka lang ng pagkain pero ang tagal tagal mo bumalik.”sabi ko pero alanganin naman syang ngumiti na syang pinagtaka ko.

“May problema  ka  ba?”takang tanong ko pero umiling lang sya.

“Wala, akin na tulungan na kita tas ihahatid na kita sa bahay nyo.”sabi nya at hindi ko pa sana gustong ibigay sa kanya ang dala ko pero nagdadabog kong binigay sa kanya yun at di sinasadyang nasagi yung kaliwang braso nya.

"Aray!" sambit nya kaya nanlaki ang mata ko at dali daling binawi sa kanya yung bag

"Hala sorry,sorry. Sorry, ikaw naman kasi eh. Teka ano  bang ginawa mo ba't nasugatan ka? Bumili ka lang naman ng----"natigilan ako nang may pumasok sa isip ko. Sandali akong napatingin sa sugat nya at napalunok. Hindi malabo ang nasip ko pero hindi ko matatanggap kung sakaling magkatotoo iyon.

Mas lalo lang lumakas ang hinala ko sa kanya. Kung hindi ako nagkakamali yung lalaki kanina natamaan ko rin sya sa kaliwang braso. At eksaktong umalis si Adrian kanina nung dumating yung lalaki. Ayokong maghinala o mabahidan man lang ang tiwala ko sa kanya, ayokong masira yun dahil hindi ko matatanggap na ang kaisa-isa kong kaibigan ang tatraidor sakin. Hindi ko kaya yun.

"Kanina kasi bago ako makarating sa bayan, may nadaanan akong puno ng manga tapos naalala kita kasi paborito mo  yun, medyo mataas kaya inakyat ko pa, yun nawalan ako ng balance at muntikan nang mahulog, buti na lang napakapit ako sa kabilang sanga tapos di ko napansin na nasabit na pala tong braso ko dun sa isang sanga. Pinagamot ko muna pagdating sa bayan bago ako bumili ng pagkain, kaya ako natagalan. Sorry na, ayoko lang na magalala ka kaya di ko sinabi agad." pagpapaliwanag nya na syang nakapagpahinga sakin ng maluwag.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon