Chapter 36

10 0 0
                                    

Tahimik ko lang syang pinagmasdan habang mahimbing pa rin syang natutulog, maghahapon na pero tulog pa rin sya, mabuti na lang at nagawan ni Argus ng paraan para tuluyang mapagaling ang sugat nya. Kaya ngayon ay unti-unting tinatanggal ni Argus ang benda at naging scar na lang ang mga sugat nyang yun.

Pero ang kamay nya ay nakabenda pa rin dahil naoverused ang attribute nya at hindi kinaya ng katawan nya kaya magtatagal pa ng dalawa o tatlong araw bago ito gumaling.

"Wag kang magalala, baka mamaya ay magising na rin sya, teka hindi ka pa ba nagugutom? May nailuto akong pagkain dyan baka nagugutom ka na."umiling ako habang nakatingin pa rin sa natutulog na si Apollo.

"M-mamaya na lang, h-hindi pa naman ako gutom."nasabi ko na lang at tumango naman sya. Matapos nyang alisin ang benda ay nagpaalam na muna syang lalabas kahit alam kong binabantayan nya ang bawat kilos ko.

"G-gumising ka na, m-marami pa akong sasabihin sayo. A-at sana m-magawa mo pa rin akomg patawarin sa kabila ng lahat, kahit yun na lang ang ibigay mo, at maiintindihan ko kung magagalit ka sakin dahil dapat lang naman, may karapatan kang magalit dahil..."nanubig ang mata ko at napayuko nang magsimula na namang tumulo ang luha ko.

"D-dahil sakin n-naranasan mo ang mga bagay na hindi mo dapat naranasan. Dahil sa magulang ko n-nawalay ka sa magulang mo, a-at n-namatay sila d-dahil samin..Na-nasaktan ka ng ilang beses, napahamak, at eto muntikan ka namang.. m-muntikan ka na naman.."tahimik lang akong umiyak habang marahang nakahawak sa kamay nya, natatakot akong bitawan yun dahil baka hindi ko na rin mahawakan pa pero nagdadalawang isip din ako kung karapat-dapat ko bang hawakan yun?

Hindi ko na nakayanang pigilan ang luha ko kaya para hindi sya magising ay marahan kong binitawan ang kamay nya at maingat na lumabas ng bahay. Naging mabigat ang bawat paghakbang ko papunta sa gilid ng lawa at hindi na rin maawat ang pagiyak ko.

Hindi nya naman ako maririnig dito dahil nasa loob sya ng bahay at wala pa syang malay. Hinayaan ko lang ang sarili kong ilabas ang lahat mula noong nalaman ko ang totoong pagkatao ni Adrian, nang malaman ko kay Valoria ang ginawa nya, ang pagtangkang pagpatay sakin ni Pisces. At nang malaman kong si Apollo at ang lalaking nagtangka sa buhay ko noong wala pa ako sa academy ay iisa.

Nang malaman ko kung sino talaga ako, nang malamang dugong-bughaw pala sila Pollux, Pisces at si Apollo, na silang tatlo ay may karapatan sa trono at korona. At ang mapait na nakaraan ng mga magulang namin. At ang katotohanang naranasan ni Apollo ang buhay na dapat ako ang makakaranas.

Tama si Cassandra, sana hindi na lang talaga ako nabuhay, edi sana hindi sila nahihirapan ngayon.

"Kahit hindi ka mabuhay ngayon, mangyayari at mangyayari pa rin yun at hindi mo mapipigilan ang mga bagay na nakatakdang mangyari."natigil ako sa pagiyak nang marinig ang napakapamilyar na boses na  yun at base sa pagkabog ng dibdib ko ay kilalang kilala ko kung sino yun.

Pinunasan ko ang mukha ko at huminga ng malalim. Susubukan kong wag umiyak sa harapan nya dahil ayokong sabihin nyang nagpapaawa ako.

"A-Apollo, g-gising ka na. M-maayos na ba ang paki--pakiramdam mo?"nagaalalang tanong ko pero seryoso nya lang akong tiningnan kaya kinabahan ako.

"Anong ginagawa mo dito?"malamig nyang tanong kaya napamaang ako at napaiwas ng tingin dahil nagsisimula na namang manubig ang mga mata ko.Hinanda ko na ang sarili ko para dito pero kahit anong gawin ko ay masakit pa rin pala.

"N-nagaalala ako k-kaya sumama ako p-papunta di--"

"Hindi ka na sana nagabala pa, tsaka sa tingin mo ba mapoprotektahan kita dito? At teka sa tingin mo ba poprotektahan pa rin kita?" doon na nagkanda pira-piraso ang puso ko. Ilang beses akong napalunok at pilit na pinipigilang tumulo ang luha ko habang naririnig ang sinasabi nya at malamig akong tinitingnan.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon