“Paano mo nalamang nandun ako?”ang una kong tanong sa kanya pagkalabas na pagkalabas namin mula dun. Naiinis ako dahil hindi ko nagawa ang plano ko, ngayon paano ko makukuha ang bagay na yun?
“Hindi mo ba alam na delikado ang lugar na yun para sayo? Bakit pumasok ka pa dun?”takang tanong nya pero pabalya kong binawi ang kamay ko mula sa kanya na ikinakunot ng noo nya.
“Hindi kita kaano-ano at hindi kita kakilala kaya bakit nangingialam ka sa mga ginagawa ko?”hindi ko napigilang sumbatan sya dahil nakakasira na sya ng diskarte.
“Sinabi sakin ni Soo na nandito ka kaya nalaman kong nandito ka, pero bakit nga ba nandito ka, may kakilala ka ba dun sa loob? May kukunin ka ba dun?”pangungulit nya pero hindi ko na sya pinansin, tinalikuran ko na sya at naglakad na palayo. Bahala sya, babalik na lang muna ako sa bahay at bukas na lang o baka mamaya na lang ako babalik dito, at sana wala na sya dito mamaya.
“Hey, sandali lang, nagalala lang naman ako baka kung mapano ka dun sa loob. Mukhang hindi ka pa naman pamilyar dito.”sabi nya pero hindi ko sya pinansin, nagpatuloy lang ako sa paglakad, pero natigilan ako na baka kulitin nya ako lalo pag nalaman nya kung saan ako nakatira kaya naglibot-libot lang ako nang hindi sya pinapansin, bahala sya dyan.
“Nga pala, sino yung lalaking kasama mo kanina? Boyfriend mo ba? O manliligaw?”dun na ako napatigil sa paglalakad at kunot-noong nilingon sya pero nakangiti lang sya sakin kaya para syang baliw.
“Ano namang paki mo kung ganon? T-tsaka ba’t ba masyado kang nakikiusyoso sakin ha? T-tsaka anong boyfriend? K-kapatid ko yun!”kailangan kong panindigan ang pagsisinungaling ko kanina dun sa mga babae para hindi sya magtaka kung sakaling iba ang makarating sa kanya, pero bakit ba ako namomoblema dun?
Pake ko ba kung magalit sya pag nalaman nya ang totoo tsaka baka bukas o makalawa ay makauwi na rin kami.
“Ah, ngayon nakukuha ko na kung bakit ganun sya umasta kahapon. Kahit ako ganyan ako kay Soo, ayokong may ibang lumalapit na ibang tao o lalaki sa kapatid ko, siguro ganun talaga kaming mga kuya.”sabi nya pero ako ay nagiisip ng magandang paraan para mailigaw sya at di ako masundan pero para syang magnet na sunod ng sunod.
“Oo, ganyan ang kuya ko kaya kung ayaw mong isumbong kita, w-wag mo kong sundan ng ganito.”pananakot ko sa kanya pero tumawa lang sya at napailing iling.
“A-anong tinatawa—“natigilan ako nang may humawak sa braso ko at nang lingunin ko ito ay sumalubong sakin ang seryosong tingin ni Pisces. Ngayon lang ako natuwa sa pasulpot-sulpot na ginagawa nya dahil nakahanap na rin ako ng palusot.
“At ikaw si?”nakakunot noong tanong ni Seo Joon, nagtataka na naman siguro sya kung sino si Pisces pero bahala sya, mamatay sya kakaisip.
“Uuwi na tayo.”sabi ni Pisces at bago pa man ako makapagsalita ay nahila nya na ako paalis. Pasimple kong nilingon ang nagtatakang si Seo Joon, pero nakahinga ako ng maluwag dahil nakawala din ako sa taong yun.
Nang makapasok kami sa loob ay andun na rin pala sila Calix. Umupo kami sa hapag at nagsimulang magusap.
“May nalaman ako galing sa ilang nagbebenta dito na may tinatawag silang Mr. Seo, yun daw yung pinakamayamang mangangalakal dito at mukhang nirerespeto din sya ng mga tao dito.”sabi ni Calix kaya napatango tango kami, kumunot ang noo ko dahil may hinala ako sa Mr. Seo na yan.
“And we also found out from the ornament vendor that the thing you saw was fake.”nanlaki ang mata ko sa narinig mula kay Valoria. Kung ganon sayang pala yung buwis buhay na ginawa ko. Nakakainis! Buti na lang pala at hindi ako tuluyang nakapasok dun kundi sobrang manghihinayang sana ako.