Chapter 15

29 0 0
                                    

Maaga akong nagising at napansin kong wala na si Valoria, mukhang maaga la ang klase nya ngayon, mamaya pa naman yung akin.

Habang nagaayos ako ay naalala ko yung kwintas, saan ko ba nalagay yun?

Hinanap ko sa cabinet, sa baba ng higaan at sa mga gamit ko yung kwintas na yun. Hindi pwedeng mawala yun, kailangan ko yun para malaman kung sino sya.

Napakuyom ako ng kamao nang makita ko ito. Gagamitin ko itong pain para hanapin at magpakita sya sakin. Pero nakapagtataka naman na mukhang hindi nya pa nahahalata na nawawala to sa kanya, o baka hindi nya alam na nasa sakin to?

Napatigil ako nang maalalang hangin din pala ang attribute ng taong yun. Teka, tapos ako ay ganun din, posible ba yun? posible bang dalawang tao ang magkaparehas ng attribute? Pero paano kung magkita kami ulit at gamitin nya iyon sakin, sino ang papanigan ng element na yun?

Pwes, ipapakita ko sa kanya na nasa sakin to. Nagayos na ako para pumasok sa klase ko. Same uniform ang sinuot ko at nagmadali nang pumunta sa building namin, para hindi ako malate, medyo malayo pa naman ito.

Tamang-tama at hindi pa nga ako late. Pumwesto ako sa tabi ni Valoria na agad ko namang nginitian, pero umirap lang sya. Hmm, mukhang balik sa normal to ah.

Puro mga elementals ang kaklase ko kaya konti lang kami,mukhang hindi talaga ganun kadami ang mga elementals pero siguro kasi masyadong delikado kung masyado silang marami kaya ganun.

"Hmm, ikaw ka. Akala mo nakalimutan ko yung eksena nyo ng supladong yun sa party? Hmm, ano bang meron sa inyo ha? Para kasing may somethi--"

"Shut up! Tss."naiinis nyang sabi at umubob na lang sa desk, ito talaga, nagtatanong lang ako eh ang suplada sumagot.

Kukulitin ko pa sana sya nang may maramdaman akong masamang nakatingin sakin kaya napatingin ako sa harap at tinaasan ng kilay ang isa pang suplao. Tsk, mukhang napapaligiran ako ng mga suplado.

Napaayos lang ako ng upo nang pumasok na si Sir Jay kaya binati namin sya.

"Okay, class go out with your partner so you can practice your elements. At ang tatakas ay mapaparusahan, dahil nakikita ko ang bawat isa sa inyo kaya wag nyo nang tangkain pa. Okay move!"nagsitayuan na ang lahat at nakita ko pang kinawayan ako ni Calix kaya kinawayan ko rin sya bago pa sya lumabas kasama ang partner nya. And great, napatingin ako sa gilid ko at napangiwi nang mapansing wala pa sya, asan na kaya yung asungot na yun.

"Don't touch me. I can walk."napatingin naman ako kila Valoria nang mapansing nagaaway na naman sila. Tsk , malapit na talaga akong maniwala na may relasyon ang dalawang ito.

Napailing iling na lang ako nang tutukan ni Valoria ng matulis na yelo si Pisces kaya tumigil ito at naunang maglakad palabas.

"Ms. Creed."napabalikwas ako at agad na napatayo at nailang nang mapansing ako na lang pala magisa ang naiwan dito. So nasan na ang magaling kong partner?

"Sir? M-mukhang wala pa po yung partner ko, hihintayin ko lang po sya."naiilang na sabi ko at tumango naman sya. Tumayo na ako at naisipang maghintay na lang sa labas para diretso na kami agad sa labas.

"A-ah sir sa labas ko na lang po sya hihintayin."sabi ko at nalampasan ko na sana sya kung di lang sya nagsalita.

"Why do you have that?"nagtaka naman ako sa tanong nya pero nang sundan ko ang tingin nya ay napahawak ako sa kwintas na suot ko.

"S-sir?"takang tanong ko pero imbis na sagutin ay inalis nya ang kamay ko sa kwintas at hinawakan ito at tiningnang mabuti.

"Hindi dapat nasa sayo ang mga bagay na ganito. San mo nakuha yan? O sino ang nagbigay nyan?"kumunot ang noo ko at mabilis na hinawakan ang kwintas nang may nagtatakang tingin sa kanya.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon