"Iana? What are you doing?"nabalik lang ako sa huwisyo nang nagtatakang pumasok si Valoria sa kwarto. Tsaka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatulala sa harap ng pinto.
"H-ha? W-wala, m-may naalala lang ako. Hmm. Teka lalabas muna ako ha."paalam ko habang nagtataka pa rin syang nakatingin sakin.
Pagkalabas ko ay bigla akong nawalan ng balanse dahil hindi pa rin matanggap ng isip ko ang nangyayari.
Kailangan kong puntahan ang hari na yun, kailangan kong malaman kung anong ginawa nya kay papa at kung kinakailangang makipagkasundo ako sa kanya ng kahit ano gagawin ko basta wag nya lang gagalawin si papa.
Habang naglalakad ako papunta sa main lobby ay napansin ko ang papalubog na araw at malapit na rin palang dumilim.
At kung sinuswerte nga naman ako, napansin ko ang iilang guards na paikot-ikot at mahigpit na nagbabantay sa Fenris' Building. Ang building kung saan naglalagi ang ilang bisita ng academy at katabi lang nito ang Headmaster's Building.
Nagsimula akong maglakad palapit sa building na yun pero pinigilan ako nang ilang guards at agad na tinutukan ng espada pero matatakot pa ba ako?
"Sino ka at anong kailangan mo?"maawtoridad nyang sabi kaya mataman ko syang tiningnan.
"Kailangan kong makausap ang hari. M-may sasabihin lang akong importante."sabi ko pero kumunot lang ang noo nya na para bang hindi kumbinsido sa sinabi ko.
"Sabihin mo sakin kung ano ang gusto mong sabihin at ako na ang bahalang maghatid sa --"
"Napakaimportante ng sasabihin ko kaya kailangang ako mismo ang magsab--"
"At sa tingin mo hahayaan ka nam--"
"Anong nangyayaring kaguluhan dito."napatingin naman ako sa isang lumapit na lalaki, napansin kong isa rin syang royal guard pero iba nga lang ang kulay ng suot nya at mukhang mas mataas sya kaysa sa mga kausap ko kasi yumuko muna sila bago sumagot.
"Hindi tumatanggap ng bisita ang mahal na hari, at magagabi na rin kaya bukas ka na lang pumunta ulit dito."sabi nung isa pang guard pero natahimik sila nang itaas nung lalaki ang kamay nya.
"Anong pangalan mo?"napakurap kurap naman ako at nagdalawang isip pa kung sasabihin ko o hindi pero baka hindi ako papasukin pag nagsinungaling ako.
"I-Iliana Creed."sabi ko na nagpakunot ng noo nya, nabalot kami ng panandaliang katahimikan pero binasag yun ng lalaki.
"Let her in, The King knows her."sabi nya kaya kahit labag sa loob ng mga guards na yun ay hinayaan nya akong makapasok sa loob. Sinamahan nya pa ako hanggang sa maihatid nya ako sa tapat mismo ng kwarto nito.
Mukhang kilala nya ako, siguro nabanggit ako ng hari sa kanya, nabanggit nya yata kung paano ako papatayin para kung magkaproblema sya ay ang guard nyang to ang magpapatuloy ng misyon nya.
"S-salamat, p-pero hindi pa ba sya nagpapahinga? Baka nakakaistorbo ako?"nagaalalangan kong tanong para hindi nya ako paghinalaan.
"Hindi pa sya nagpapahinga dahil may mga tinatapos pa syang trabaho, at wag kang magalala nabanggit nya na pag dumating ka ay papasukin kita dahil baka may importante ka ngang sasabihin."sabi nya kaya binigyan ko sya ng tipid na ngiti.
Hinawakan ko ang doorknob para buksan ang pinto, sumalubong sakin ang dim na ilaw na nagmumula sa gitnang lamesa at dahil dun ay naaninag ko ang pakay ko. Pumasok na ako sa loob at bahagya pang yumuko, narinig kong sinarado ng guard na yun ang pinto kaya nagangat ng tingin sakin ang hari.
"Hmm, What's the probl--"natigilan sya nang magangat ako ng tingin sa kanya, bakas na bakas ang gulat sa mukha nya. Gulat ba dahil nandito ako o dahil buhay pa ako. Bakit nakalimutan ba nyang tinulungan nya ako? Pwes ako kinalimutan ko na yun.