Epilogue

30 1 0
                                    

ILIANA

Naalimpungatan ako nang makarinig ng mga nagbubulungan sa kwarto ko, sinubukan kong imulat ang mata ko at medyo nakaramdam ako ng sakit ng ulo kaya pumikit muna ako sandali bago sinubukang dumilat ulit.

Nilibot ko ang paningin ko at nagtaka nang makita sila Valoria, Calix at Pollux sa gilid ng kama ko at naguusap na parang mga bubuyog. Tsaka ko inaalala ang mga nangyari, naalala kong pumunta ako sa Icarus para kausapin si papa at si Cassandra, bigla akong nanlumo dahil sa nangyari sa kanya, at si Adrian, napahinga ako ng malalim habang inaalala kung paano magkanda-pirapiraso ang katawan nya at sinisigurado kong wala na sya sa mundong to. At alam kong magiging mabuting hari si Pisces kahit na may pagkasuplado yun.

“Uy, gising na si Iana!”napangiti ako dahil bumalik na ulit ang sigla sa mukha ni Pollux. Dahan-dahan akong bumangon at sumandal sa headrest. Ayokong nakikitang malungkot sya kahit na sinabing kaibigan ko lang sya.

“O ano may masakit pa  ba sayo?”nagaalalang tanong nya habang nakatingin lang sakin si Valoria at nakangiti si Calix, kaya umiling ako.

“O-okay na ang pakiramdam ko, t-teka anong nangyari pagkatapos, nakabalik ba ang lahat ng maayos?”tanong ko at nang ilibot ulit ang tingin ay narealize kong nasa Arthenia na ako. Nang tingin ko sila ay nagkatinginan sila at nangunot ang noo nila.

“Ah oo, mabuti na lang at naaksyunan agad nila Dean kaya hindi tuluyang nasira yung party, ikaw kasi saan ka  ba nagpunta ha?”tanong ni Pollux kaya nangunot ang noo  ko. Party?

“P-party? A-anong party?”kinakabahang tanong ko dahil parang pamilyar sakin ang sinasabi nya.

“Hala, baka nakalimutan nya rin yun Pollux?”mas lalong nangunot ang noo  ko dahil sa sinabi nila.

“Anong nakalimutan ko?”

“You’ve been found inside the Styx forest along with Apollo—“

“A-anong Styx? W-wag nyo nga akong pinagbibiro.. D-diba kinalaban natin si Adrian? Pumunta tayo sa Icarus? Teka asan si papa? Si Apollo, asan silang dalawa?”nagkatinginan naman silang tatlo at parang naiisip nilang nababaliw na ako. Ano ba kasing nangyayari? Ano  pala yung nangyari? Panaginip lang ba  yun? Bigla akong nanlumo sa naisip na hindi pala totoo ang lahat ng nangyari.

“Tsk, mukhang tama nga ang sabi ng healer na maaaring maapektuhan ang memories nya, baka ito yung tinutukoy nya.”sabi ni Calix kaya nagtaka ako.

“A-anong maapektuhan ang memories ko? A-anong sinasabi nyo? H-hindi pwedeng nanaginip lang ako, totoo ang lahat nang nangyari at nararamdaman ko pa na totoo…”

“Iana, pumasok kasi kayo ni Apollo sa loob at alam mo naman na delikado dun diba? Tsaka si Apollo nasa kabilang room, nung ilabas kasi kayo ni Headmaster nagulat kami nang makitang may saksak sya.”sabi ni Pollux kaya nanghina ako, k-kung ganon panaginip lang ang lahat? Nagsimulang manubig ang mata ko dahil    sa naiisip. Hindi pala totoo ang lahat.

“P-pero diba kinalaban natin yung dating hari, si Adrian, t-tapos diba sinugod nyong dalawa ni Pisces yung palasyo? T-tsaka si Apollo diba nalaman nating taga-Icarus sya? Pero mali pala kasi ako yung taga-Icarus, pero sya anak sya ng dating hari, d-diba alam na natin yun?”umaasang tanong ko, at umaasa ako na  sana ay magsasabi sila ng joke pero mas lalong kumunot ang noo nila at hindi makapaniwalang tiningnan ako.

“I-Iana,a-ano  ba   yang mga sinasabi mo? S-si A-Apollo taga Icarus? At ikaw? Iana nagjojoke ka  ba?”hindi makapaniwalang tanong ni Calix kaya hindi ko na napigilang tumulo ang luha ko. Napapikit ako at mas napaiyak pa lalo dahil hindi pala totoong mahal ako ni Apollo, hindi pala totoong tapos na ang kalaban namin. At malabong magkatotoo ang mga iyon.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon