Chapter 26

9 0 0
                                    

"P-paanong.."hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang bigla nya akong buhatin, hindi ko hinayaang tuluyan akong mawalan ng malay dahil nagaalala rin ako sa kanya. Hindi nya kaya yung mga yun!

"Dito ka muna."sabi nya at nilapag nya ako sa tabi, sandali nyang nilingon ang ilang paparating pang kalaban, aalis na  sana sya pero pinigilan ko sya.

"S-saan ka pupunta?"takang tanong ko.

"Mas ligtas ka dito, tatapusin ko lang sila, tapos babalikan tayo kila Calix."sabi nya at pipigilan ko pa sana sya pero nakalayo na sya at nanlaki ang mata ko nang mabilis nyang napatumba ang tatlo sa mga kalaban.

Pumikit ako sandali dahil mas lalong tumindi ang pagkahilo ko pero hindi ako pwedeng mawalan ng malay dito, ewan ko pero gusto kong mapanood ang nangyayari dahil hindi pa rin makapaniwala ang mata ko sa nakikita.

Ang inosente at slow na Apollo na nakilala ko, ang mahinang Apollo na hindi tinatakbuhan lang ang kalaban. Ang mahiyaing Apollo, na palaging nakakamot sa batok nya pag pinapagalitan. Pero ngayon, ni bakas ng mga yun ay hindi ko makita. Nagsimula na akong magduda sa katauhan nya, sino ka  ba talaga Apollo?

Nang idilat ko ang mata ko ay napakunot ang noo ko nang makita ang dalawang kalaban na pumupuslit sa magkabilang gilid ko. Hinanda ko ang dalawang espadang hawak ko at mahihirapan akong mapatumba silang dalawa ng sabay pero susubukan ko pa rin.

Sandali kong tiningnan si Apollo at sa kabila ng pagdududa ay hindi ko maiwasang mamangha dahil mabilis nyang napapatumba ang kalaban.

Mabilis na tumakbo ang dalawa papunta sakin kaya bago pa man sila makalapit ay hinanda ko na ang espadang hawak ko at isasangga ko na  sana pero napamaang ako nang makitang hinarang ni Apollo ang isa gamit ang espada nya pero pinigilan nya gamit ng kamay nya ang isa. Nababaliw na  ba sya?

Nanlaki ang mata ko nang makita ang isang papasugod sa likod nya at sinubukan kong tumayo para tulungan sya pero agad nyang sinaksak ang isa at sinipa palayo ang isa pa.

"A-Apollo!"pagaalala ko nang matamaan sya sa likod. Mabilis nyang nilingon ang taong yun at agad nyang napatumba.

Nagalala akong napatingin sa kamay nyang dumudugo na ngayon. Nakatalikod sya sakin ngayon kaya nakikita ko ang sugat nya sa likod, unti-unting nanubig ang mga mata ko dahil ayoko ng ganito, ayokong nakikitang nasasaktan sya ng ganito.

"T-tara na, w-wala na yatang kalaban.."sabi ko sa kanya at sinubukang tumayo pero napatigil ako nang umulan nang pana sa direksyon namin at dun ko naaninag ang isang grupo ng mga kalalakihan na may dala-dalang iba't-ibang klase ng espada at armas. Tsaka ko naalala ang sinabi ni Seo, ito ba ang mga mananakop nila?

"Apollo.." ayoko ng ganito, wag nyang sabihin na lalabanan nyang magisa ang mga yan. Sinubukan kong tumayo para tulungan sya, hindi ako papayag na maging pabigat, kaya ko ring tumulong.

"Stay there, and let me handle this."kumunot ang noo ko habang nakatingin sa kanya, tinukod nya ang espada nya at unti-unting tumayo na para bang wala syang kahit anong sugat, saka ko lang napansin ang ilang hiwa sa sleeve ng damit nya.

"Pero marami sila. Nababaliw ka  na  ba?"naiinis kong tanong pero mas nainis ako sa sagot nya.

"Sana tinanong mo  yan kanina nung tumakbo ka palayo."natahimik ako sa sinabi nya. Tama sya kasalanan ko, kasalanan ko kung bakit kami napunta sa ganito. Pero kasi parang wala na ring saysay dahil alam kong hindi na ako makakauwi sa amin kaya bakit ko pa sasayangin ang pagkakataong makatulong sa mga tao dito.

"I've been into worst."sabi nya at mabilis na sinalag ang mga panang tatama samin. Sinubukan kong tumayo at sumandal sa tumpok ng mga gamit, itinaas ko ang espadang hawak ko at tinulungan syang salagin ang mga iyon, at nang maubos ay nakita ko ang ilang tao na unti-unting pumapalibot samin ngayon. Kung pwede lang sana, kung pwede ko lang gamitin ang element ko—

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon