Nagising ako nang naghahabol ng hininga at agad ding napadaing nang makaramdam ng kirot sa braso at tuhod ko. Tsaka ko naaalalang hindi pala panaginip ang lahat, nilibot ko ang paningin ko at nakitang napakadilim ng paligid at dahan-dahan akong bumangon at tumayo. Nasa Pandora's Forest na ako kaya nagumpisa na akong maglakad dahil mukhang malalim na ang gabi, pero sa tuwing hahakbang ako ay sisindi ang mga torches sa gilid kaya parang footwalk ang dinadaanan ko.
Napatigil lang ako nang may makita akong pamilyar na bagay na nasa damuhan. Ang kwintas!
Kinuha ko ito at tinanggalan ng dumi. Nilagay ko ito sa bulsa ko at nagpatuloy sa paglakad. Hanggang sa nadaanan ko kanina ang lugar kung saan kami tumilapon ni Astra. Nilibot ko ang lugar pati yung pinaglagyan nya kanina pero wala nang kahit anong bakas doon. Mukhang nailigtas na sya at nakahinga ako ng maluwag dahil don.
Pinagpatuloy ko ang paglalakad palabas dahil malapit na rin ako sa bukana.
"Iana!"napalingon ako sa tumawag sakin at napangiti ako nang makaramdam na ligtas na ako dahil nandito na sya.
"P-Pollux?"nagtatakang tanong ko nang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Astra.
"A-anong nangyari sayo?!"hindi makapaniwalang tanong nya nang makalapit na sya. Kahit ako hindi rin makapaniwala na buhay pa rin ako sa kabila ng nangyari, at mas lalong hindi ako makapaniwala na nagawa nya yun, buong akala ko ay tutuluyan nya na ako.
"Pollux!"hinayaan ko na lang si Pollux na kargahin ako habang inaaninag ko kung sino ang tumawag sa kanya at nang makalapit ay nakilala ko sila. Calix at Apollo.
"Nakita ko na sya tara na lumabas na tayi dito at kailangan na syang dalhin sa clinic."sabi ni Pollux at nakitaan ko nang pagaalala ang dalawa pero nginitian ko lang sila.
Karga-karga ako ni Pollux habang nasa isip ko pa rin ang tanong at mas nadagdagan ng marami pang tanong, at sa tingin ko pagkagaling ng mga sugat ko ay saka ko lang hahanapan ng sagot ang mga iyon.
"T-teka s-si Astra? Tsaka si Percy? Asan silang dalawa?"nagaalalang tanong ko.
"Okay na sila, nagkasugat lang si Astra pero magaling na, nagaalala silang dalawa sayo."sabi ni Pollux kaya tumango ako at pumikit sandali.
"P-pano nyo nalaman na na-nandito ako?"tanong ko.
"Nilapitan kami ni Percy at Astra tapos kinuwento ang nangyari kaya napasugod kami agad dito. Kanina ka pa namin hinahanap pero natagalan kami dahil sobrang laki ng gubat na yun."sabi ni Calix.
"P-pero, Pollux diba taga-Ymiria at Castalia lang ang pwedeng makakita at makapasok sa loob ng gubat na yun? Bakit i-ikaw?"nagkaroon ng panandaliang katahimikan bago sya sumagot at halatang hindi nya rin alam ang isasagot.
"A-ah h-ha? A-ano bang klase--"
"Iliana!"napangiti ako nang makitang ayos na ang kalagayan ni Astra.
"Buti naman at ligtas ka na. S-sorry, mukhang nadamay ka pa sa gulo ko."sabi ko pero umiling sya at hindi na napigilang umiyak, inalo alo naman sya ni Percy pero hindi naman sya nagpaawat at hinawakan pa ang kamay ko kaya napangiwi ako.
Ngayon ko lang naramdaman ang sobrang sakit dahil sa mga sugat na nakuha ko at di makapaniwalang nakatagal ako.
"A-ano bang nangyari sayo? A-ang dami mong sugat, sorry talaga, s-sana--"
"Wala kang kasalanan Astra, tsaka magiging okay din ako, wag kang magalala."paninigurado ko sa kanya pero umiiyak pa rin sya.
"Tara na kailangan ko na munang dalhin sa clinic si Iana para magamot sya agad."sabi ni Pollux at tumango naman silang dalawa. Nagsimula nang maglakad si Pollux at nagsisimula na ring pumikit ang mga mata ko.