Maaga akong nagising at wala na si Apollo sa tabi ko. Asan na kaya yun? Bumangon na ako at nag-ayos ng pinaghigaan namin.
Lalabas na sana ako pero pumasok naman sya at may dalang damit, inabot nya naman sakin yun kaya kinuha ko.
"Yan lang yung damit na nakita ko dito. M-mukhang kahapon ka pa kasi hindi--"mabilis kong inagaw ang damit na dala nya at hindi na sya hinayaang magsalita. Kailangan ba talagang sabihin yun?
Napangisi naman sya na para bang alam nya kung bakit ganon ang ginawa ko. Matapos iyon ay naabutan ko sya sa labas na nilalaro si Gemini. Napangiti naman ako dahil tuwang-tuwa sya habang tinuturuan ito ng mga bagong tricks.
Nang makalapit ako sa kanila ay ngumiti sya at lumapit sakin, naiwan namang naglalaro si Gemini doon.
"Nga pala, nakalimutan kong ibigay sayo to."sabi nya at nangunot ang noo ko nang may dinukot sya mula sa bulsa nya at nanlaki ang mata ko nang maalala yun. Lumapit pa sya sakin at marahang inipit yun sa buhok ko.
"T-teka y-yan yung.." yung nagustuhan kong hair ornament dun sa Korea, yung gusto ko sana kaso wala naman akong pera at ayokong abusuhin ang kabaitan ng mga tao dun.
"P-pano mo nabili yan wala kang--"
"Buti na lang naiwan ni Pisces yung lagayan ng pera dun sa bahay kaya yun kumuha ako ng konti tsaka aminin mo mas maganda to kesa sa binigay nung Seo na yun diba?"natawa ako ng mahina dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin sya makamove on dun.
"Oo na. Tsaka yun naman tala-- ay teka may ibibigay rin pala ako sayo."sabi ko nang maalala ko yung kwintas nya kaya kinuha ko yun mula sa bulsa at binigay sa kanya, nagulat naman sya nang malamang nasa sakin yun, sandali nyang tiningnan yun at parang may naalala sya dito.
"Ang sabi ni Argus si papa daw ang nagmamayari nito pero binigay daw sa kanya ni mama at nung pinanganak ako sakin naman daw pinasuot to."sabi nya kaya napangiti ako dahil kahit papaano ay may alaala sya ng mga magulang nya.
"Pero.."nagtaka ako nang umikot sya sa likod ko at sinuot yun sakin kaya nangunot ang noo ko
"A-Apollo, pero diba binigay--"
"It will be a reminder of me kapag hindi tayo magkasama. Lalo na kapag namimiss mo ko.”napairap naman ako at tumawa na lang dahil sa mga banat ng lokong to. Napahawak ako sa pendant na yun at hindi naiwasang magtanong kung bakit ganon.
“Pero bakit ganito yung design? Pagkabigay ba ng papa mo sa mama mo ganito na talaga?”takang tanong ko pero umiling sya.
“No, the pendant changes depending on who the owner is. Naging ganyan lang yan nung sakin isuot and that determines my element.”sabi nya kaya namangha ako, may ganun palang necklace?
“So that means air at fire ang elements mo?”namamanghang tanong ko kaya medyo lumayo sya at pinalabas ang mga elements nya sa magkabilang kamay, apoy sa kanan at hangin sa kaliwa at doon ko lang narealize na hindi ako isang Air Keeper, kundi si Apollo lang talaga.
“At first nagtaka din ako kung bakit magkaparehas ang element natin dahil hindi pwedeng dalawang tao—“
“H-hindi ako isang elemental keeper, more or less I can just control it.”sabi ko lalo na ng maalalang nakokontrol ko na rin ang tubig.
“Really? How did Pisces..”
“Uminit yung ulo ko sa kanya nung kahapon kaya yun nagkaaway kami pero hindi naman ako nasaktan kasi inaabsorb lang ng katawan ko ang tumama.”sabi ko para hindi na sya magalala pa, dahil tapos naman na yun.
“Gusto mong sumakay kay Gemini?”nakangiting tanong nya kaya excited na tumango ako, nakakamangha na hindi na ako natatakot sa kanya ngayon maliban na lang pag nasa ere na kami kasi parang feeling ko malalaglag ako.