Chapter 30

7 0 0
                                    

ILIANA
Dahan dahan kong minulat ang mata ko at sandaling napapikit ulit dahil nakaramdam ako ng hilo. Nang maging okay na ang pakiramdam ko ay minulat ko ulit ang mata ko at nagtaka dahil nagiba ang itsura ng paligid ko. Kailan pa nagkabintana dito?

Pinikit ko ang mata ko at inalala ang mga nangyari. May kumurot sa dibdib ko nang maalala ko ang sinabi ni Soo tungkol sa ginawa ni Valoria, pero hindi pa naman sigurado kung ginawa nya talaga yun o hindi, at kailangan ko pa syang kausapin tungkol dun.

Napahawak ako sa noo ko nang maalalang nalaglag ako sa bangin, at isa pa yung dapat kong isipin. Sino ang tumulak sakin at teka na-nandito na ako at ibig sabihin... S-sinong nakahanap sakin?

Saka ko naalala si Apollo. Sinubukan kong bumangon pero napangiwi nang maramdamang sumakit ang likod ko. Kaya dahan-dahan akong bumangon at ganun na lang ang pagkagulat ko nang makita ang kamang kinahihigaan ko at ang lugar, napakapamilyar. Teka, hindi kaya...

"O gising ka na pala, maayos na ba ang pakiramdam mo?"nagulat ako at napakunot ang noo nang makita si Pollux, kung ganon nakabalik na nga kami?

Teka, saka ko naalala yung vestals ko, ako lang ang nakakaalam na nahanap ko na yun paano kung... paano kung totoong naiwan dun si Apollo tapos ako lang ang nakabalik?

"Kahapon pa kayo nakabalik Iana, medyo mananakit pa yung sugat mo pero wag kang magalala gagaling din yan agad."sabi ni Pollux pero hindi iyon ang inaalala ko. Si Apollo, biglang nanubig ang mata ko nang marealize na naiwan nga sya dun at nakabalik ako dito.

"I-Iana may p-problema--"

"S-si Apollo, a-asan sya kasama ba namin syang bumalik?"aligagang tanong ko, hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman ang kalagayan ni Apollo.
"Iana, alalahanin mo muna ang sarili mo--"

"Sagutin mo ko. Asan si Apollo? K-kasama ba namin sya o naiwan?"hindi ko na namalayang pumatak na pala ang mga luha ko dahil sa matinding pagaalala, hindi ko mapapatawad ang sarili ko pag may nangyaring masama sa kanya, hindi.

Bumuntong hininga sya at lumapit sakin at pinakalma ako pero hindi ako makakalma hangga't hindi ko nakikitang ligtas si Apollo!

"K-kumalma ka Iana okay? Nasa kabilang kwarto lang sya at nagpapahinga--"hindi ko na sya pinatapos sa pagsasalita, hindi ko na pinansin ang pananakit ng likod ko, dali-dali akong bumangon mula sa kama at lumabas ng kwarto.

"Iana!Iana sandali lang--"

Inuna ko ang kwarto sa kaliwa pero ibang tao ang nandun kaya agad kong sinarado yun at lumipat sa kanang pinto, agad kong binuksan yun at sumalubong sakin ang nagtatakang si Apollo. Napakurap kurap ako nang makita sya sa harapan ko.

Nanginginig ang mga kamay na hinaplos ko ang pisngi nya para malaman kung nanaginip ba ako o hindi, nanlaki ang mata ko nang marealize na totoo sya.

"A-Apollo.."pinaghalong tuwa at kaba ang nararamdaman ko ngayong kaharap ko sya. Hindi sya naiwan dun, hindi sya naiwang magisa dun.

"O-okay ka lang ba? M-may masaki--" hindi na natapos ang sasabihin nya nang bigla ko syang yakapin, bahala na kung anong isipin nya o ng mga taong makakakita samin pero hindi ko lang talaga lubos maisip na mapapahamak  sya ng dahil sakin.

"A-akala ko.. akala ko t-tuluyan ka nang n-nawala sakin. N-nagalala ako na baka.. baka nai-naiwan ka dung magisa. A-ayoko Apollo, a-ayokong m-mawala ka sakin."napapikit na lang ako at hinayaang tumulo ang luha ko habang nakayakap pa rin sa kanya. Naramdaman ko namang gumanti din sya ng yakap kaya mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"Hangga't hindi mo sinasabing lumayo ako, hindi ako aalis at hindi ako mawawala."sabi nya kaya napangiti ako.

Para na akong baliw dahil umiiyak ako pero at the same time ay nakangiti.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon