Chapter 23

14 1 0
                                    

Napangiwi ako nang marinig iyon sa isipan ko, hindi ko nakilala kung kanino o sino ang gumawa nun pero malamang isa yun sa mga prof namin, kung ganon nagagawa nilang magusap gamit ang mga isip nila?

Sumalubong sakin ang madilim at tahimik na paligid, pero may mga naaninag akong maliliit na bahay sa di kalayuan at may mga ilaw din sa bandang kaliwa, mukhang natutulog pa ang lahat kaya mas mabuti yun para hindi nila kami mapansin.

“Woah.”napatingin ako kay Calix at nanlaki ang mata ko nang mapansing iba na ang suot nya, naging kulay violet na mahabang damit at kulay puti ang sleeve nya, nagbago din ang ayos ng buhok nya at may itim na sombrero din sya, napatingin ako kay Pisces, kulay red naman ang kanya at kulay blue ang kay Apollo.

Saka ako napatingin sa suot ko, kulay blue ang upper part ko at medyo maiksi sya pero hindi naman nakikita ang katawan ko, saka ko napansin na may inner garments pa pala ako tapos light blue ang palda ko na sa sobrang haba ay hindi na makikita ang paa ko. TInaas ko ang paa ko at mas naamaze nang makita ang kulay itim na sapatos at nakacurve ang dulong parte nito at may medyas pa akong puti.

Napahawak naman ako sa buhok ko dahil medyo mabigat, yun pala ay nakatali at may pin na nakakabit.

“Ang cute naman ng damit nila dito.”hindi ko napigilang mamangha dahil sa nakikita.

“Hanbok ang tawag dyan, well that’s their traditional garments here, don’t ask me because I’ve been here last year and it sucks because I’ve been here again.”sabi ni Valoria at mas namangha ako nang makitang bagay sa kanya ang hanbok na suot nya, yun pala ang tawag dun. Kulay pink ang upper at violet naman ang baba.

“So let’s start, Calix remember this place dito tayo pupunta kapag nakuha na natin ang dapat kuhanin. And please don’t be stupid, don’t lose your vestals. Calix and Creed keep an eye on Apollo, and you Griffins wag na wag kang magtatangkang gumawa ng kabaliwan dito kung ayaw mong iwan kita dito, and the same goes to you Creed.”napamaang ako at kunot noo syang tiningnan, nang balingan ko ng tingin si Apollo ay nagkibit balikat lang sya ganun din si Calix.

“And here’s the ‘binyeo’ thing that we are going to find.”sabi nya at isa-isa kaming binigyan ng kopya ng drawing nun. Madali lang naman sigurong mahanap to. Nakangangang dragon ang design nya at may red pearls sa palibot nito, gold ang buong ornament pati ang mahabang part nito. Sana hindi kami mahirapan sa paghanap nito.

“Mukhang maguumaga na rin pala o.”sabi ni Calix kaya napatingin ako sa kalangitan, maguumaga na nga. Nagsimula na kaming maglakad lakad habang nagsasalita pa rin si Pisces.

“Okay, let’s split into groups, Maghahanap kami ng matutulugan natin mamayang gabi, since may binigay namang pera at gamit si Prof na pwede nating gamitin para mabili ang kailangan natin dito.”sabi nya kaya tumango kami.

“Valoria you come with me, and you three, maglibot libot na  kayo ang look for that thing para mas mapadali ang paghahanap natin. And please don’t do anything stupid.”sabi nya kaya nakangiwing tumango ako.

“Dito tayo magkikita ulit, be back here before noon para sabay-sabay tayong makakain.”sabi nya kaya tumango kami. Tinandaan ko ang lugar na  yun, mahirap na baka maligaw kami. Nauna na silang umalis ni Valoria at napansing kong naiinis si Valoria sa ginawa ni Pisces, talaga tong dalawang to napaka-indenial.

“Tara. Maglibot libot na tayo.”yaya ni Calix kaya naglakad lakad kami dun sa medyo tumpok-tumpok na mga bahay. Naabutan naming nagbubukas pa lang sila  ng tindahan nila, ang iba ay naglalatag pa lang ng mga ibebenta nila at may mga naglalako nang mga tao. Maliit na bayan lang ang napuntahan namin at kanina pa kami naghahanap ng nagbebenta ng mga hair ornaments o kahit mga accessories na lang pero puro pagkain at damit ang binebenta nila.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon