Kanina ko pa pilit na iniiwasan ang pagtira nya. Halos sabay sabay silang sumusugod sakin, at pinapatamaan ko naman sila pero imbis na mabawasan ay mas dumadami lang sila. Shit! Ano bang dapat gawin sa ganito?
'Find the real one, Idiot.'
Napahawak ako sa ulo ko dahil sa sakit na naramdaman. Nakakainis, ni hindi ko na nga alam ang dapat kong gawin sa mga oras na to. Dadagdag pa sya!
"Fuck!" napamura ako ng wala sa oras nang maramdaman ko ang hapdi sa tuhod ko.
Shit, inis kong hinarap ang nakangisi kong kalaban at pilit na hinahanap kung sino sa kanila ang totoo. Pano ko mahahanap eh halos iisa lng ang kilos at reaksyon nila?
Pinilit kong tumayo kahit nahihirapan ako, sa tuhod nya ako tinamaan kaya magiging advantage yun sa kanya. At hindi na din mabilang na cuts ang meron ako ngayon, dahil sa katangahan ko. Nahihirapan ako dahil hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin.
"Oh. ba't di mo ginagamit ang attribute mo? Don't tell me hindi mo alam kung pano gamitin yun? Come on, para naman makalaban ka kahit papaano." nang-aasar nyang sabi kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Alam mo maniniwala na sana ako kanina na meron kang attribute pero mukhang totoo nga talaga ang sinasabi ng mga kapitbahay.
Ikaw ang babaeng sinumpa hindi ba? Ikaw ang nagiisang tao sa bayang ito na walang kahit anong attribute. Kaya kahit anong gawin mo. Kahit gamitin mo pa sakin ang mga walang kwenta mong armas, hindi mo ako matatalo! Dahil ako may attribute, ikaw, wala." naging hudyat yun para sugudin nya ako ulit.Kahit napapagod na ay pinilit ko paring umiwas at wala kong choice kundi pulutin ang espadang binitawan nya kanina.
Pinalibutan nya na naman ako habang ako ay naghahabol ng hininga. Sandali kong sinipat ang wrist ko at nakitang nagiging orange na ang color. Delikado na ang lagay ko. Iana, ngayon ka pa ba susuko?
"Sumuko ka na lang, malapit ka nang mamatay pano ba yan? Tsaka wag mo nang patagalin ang paghihirap mo."sinugod nya akong muli at tinangka kong umiwas pero nawalan ako ng balanse.
Nagsimula nang lumabo ang mata ko, pero pinanatili ko pa rin ang balanse ko, ginawa kong pantukod ang espada at pinilit kong tumayo pero agad ding napapikit nang makaramdam ng sobrang hilo.
Napatingin ako sa espadang hawak nya, may hinala akong may spell o lason syang nilagay dun kaya nagkakaganito ako.
Nilibot ko ang tingin ko sa nagkakagulong mga manonood. May ibang naeexcite,naawa at natutuwa. Para kaming nga hayop sa ginagawa nila.
Naramdaman kong susugod sya ulit pero sinangga ko ang espada nila kahit gustong-gusto nang pumikit ng mata ko. Hindi pwede, hindi pa pwedeng matapos sa ganito ang lahat. Kailangan kong lumaban. Kailangan mong lumaban, Iana.
Buong pwersa kong nilayo ang mga espadang yun kaya tumilapon sila. Ni hindi ko alam kung saan ko nakuha ang lakas na yun.
Tumayo ako at nilibot ang mata ko. Focus, Iana. Focus!
Pinikit ko ang mata ko at hinanda ang hawak kong espada habang pinapakiramdaman ang paligid. Kailangan kong magconcentrate.
Kinalma ko ang isipan ko at unti-unting nawala ang kaba ko. Inalis ko ang lahat ng iniisip ko kaya mas naging alisto ang lahat ng senses ko. Napapihit ako ng marahan pakaliwa nang makaramdam ako ng presensyang nagmumula doon.
Agad kong dinilat ang mata ko at tinarak ang espadang hawak ko sa tuhod nya. Natigilan sya at nakita ko na unti-unting nawala ang mga pekeng sya. Napasigaw sya sa sakit lalo na ng itarak ko pa ito lalo.
Gumalaw ang espada nya at akmang papatamaan ya pa ako pero agad ko itong pinigilan ng kamay ko.
Nakita kong nagulat sya kahit ang mga manonood dahil sa ginawa ko.