Chapter 35

9 1 0
                                    

THIRD PERSON

“W-wala nang tao sa Pandora Headmaster. A-at halos maging abo na rin ang lahat ng mga nandon, b-baka m-matagalan pa b-bago maayos ulit ang lugar na  iyon.”natahimik sandali ang mga ito habang hinihintay na magdesisyon ang Headmaster.

“Itigil na ang ginagawang protective shield at pabalikin ang lahat sa kani-kanilang dorm, mukhang naantala ang pagsugod nila at wala na rin naman dito ang pakay nila.”sabi nito kaya nagtataka man ay yumuko at sumunod ang prof na nagreport kanina sa kanya.

Sinabihan ang lahat na magsibalik na sa kani-kanilang dorm at magpahina dahil madilim pa at may oras pa para magpahinga sila. Samantala ay sinigurado naman ng mga prof at deans ang kaligtasan at seguridad ng academy. Nagcast sila ng mga spell na kakailanganin upang madepensahan sila oras na sumugod ulit ang mga ito at para mabigyang hudyat sila kung sakaling dumating na naman ang mga ito.

“W-wala po sa mga kwarto nila ang hari at reyna, kamahalan.”kumunot ang noo ni Pisces sa narinig at galit itong binalingan ng tingin.

“Paanong wala? Hinalughog nyo ba ang buong kaharian?”tanong nito

“Hinalughog namin pati ang kasuluk-sulukan ng palasyong to pero wala kaming makita kahit anino nila.”doon na nagtaka si Pisces dahil paanong bigla na lang nawala ang mag-ina at kinutuban na sya sa maaaring nangyari at hindi nya maiwasang magduda.

ILIANA

Sumisikat na ang araw nang lumapag si Gemini sa tabi ng isang lawa at naaninag kong may maliit ding bahay malapit dito, tinulungan ko ang lalaking ibaba si Apollo na maingat nya namang kinarga at naglakad kami papunta doon sa maliit na bahay, ako na ang nagbukas ng pinto kaya pumasok na sya at nilapag sa nakalatag na  kumot sa papag.

“Tutulungan mo rin ba ako sa paggamot sa kanya?”sabi nya kaya napalunok ako at nailang nang makitang hinuhubaran nya na si Apollo, kaya nahihiyang tumayo ako.

“Dun ka muna sa may tabing lawa, lalabas na rin ako dun kapag natapos ko nang gamutin sya.”sabi nya kaya nahihiyang tumango ako, lumabas ako ng maliit na bahay at napatingin kay Gemini na umiinom ng tubig mula sa lawa. Naisip kong lapitan sya, parang gusto ko lang haplusin yung ulo nya, pero napaatras ako nang mabaling sakin ang paningin nya kaya naisip kong wag na lang baka bugahan nya ako bigla ng apoy.

Lumapit ako sa may lawa at naupo malapit dun, sandali ko namang tiningnan si Gemini na tumigil na sa paginom ng tubig, medyo kinabahan pa ako nang lumapit sya sakin at aatras na  sana pero nagulat ako nang yumuko sya at parang gusto nya atang haplusin ko sya?

Kaya kahit nanginginig ang kamay ko sa kaba ay marahan ko  itong inangat sa ulo nya at marahan syang hinaplos, napangiti naman ako dahil mukhang nagustuhan nya dahil hindi nya ako binugahan ng apoy. Maya maya pa ay umayos na sya at umupo na rin dun sa tabi ko habang nakatingin sa lawa.

“Gemini.”tawag ko sa kanya at napatingin naman agad sya sakin kaya napangiti ako, akala ko nakakatakot talaga ang mga dragon, pero ngayong nakakita ako ng isa at nakahawak pa, mukhang hindi naman, depende lang ata sa pagpapalaki sa kanila.

Naupo  lang kami doon at hindi ko napansin kung ilang oras na ang lumipas dahil nakatulala lang ako sa lawa habang iniisa-isa sa isip ko ang mga natuklasan ko ngayon. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin kay Gemini na nakapikit na, gusto ko   sanang kausapin sya pero hindi naman sya sasagot, pero okay na rin yun at least may kausap diba?

“Hmm, may mga magulang ka  pa ba? O may mga anak ka  ba?” parang baliw kong tanong pero tulad ng inaasahan ko ay hindi sya sasagot, kaya napasimangot ako at nanatiling tumingin sa lawa.

“Wala nang magulang si Gemini pero magkakapamilya pa lang dahil buntis sya.”sabi ng kung sino mula sa likod kaya nilingon ko yun at nakita yung lalaki kanina, lumapit sya sa tabi ko at tumingin sa lawa habang nanatiling nakatayo.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon