Chapter 31

8 0 0
                                    


Tanging kalansing lang ng mga tinidor at kutsara  ang maririnig sa lamesa namin habang tahimik kaming kumakain, at kung dati ay napupuno ng tawanan at asaran ngayon ay malamig at tensyonado ang presensya ng bawat isa. Hindi  ko  alam kung anong pumasok sa isip ko at nagawa ko pang yayain na kumain si Valoria kanina matapos malaman ang isang hindi kapani-paniwalang bagay na  yun, natulog lang kami sandali pero parang hindi naman ako nakatulog dahil sa mga tanong na hindi pa nasasagot.
Ang tensyon sa pagitan namin ni Valoria at Pisces, sila Calix, Pollux at Apollo naman ay may sariling problema. Habang sila Percy at Astra ay nagtataka samin at hindi na rin tinangka pang magtanong kung bakit.

“A-ah mauna na muna kami ha, may klase pa kasi kami.”sabi ni Percy kaya tinanguan ko sya, wala silang klase, yun ang pagkakaalam ko, siguro ay hindi na rin nila nakayanan ang tensyon sa pagitan naming anim.

Nang magtama ang tingin namin ni Astra ay malungkot syang tumingin sakin kaya tipid ko syang nginitian, marahil nalaman nya na kung bakit ganito kami ngayon, ang ibang estudyante na madadaan sa lamesa namin ay nagtataka rin sa kakaibang aura ng lamesa namin, siguro nasanay sila sa asaran at tawanan kaya naninibago sila.

Pero hindi naman lahat ng bagay ay nanatiling ganon, at ngayon ko lang narealize na change is constant, mapatao man, bagay o kahit ang relasyon nyo ay maaaring magbago sa isang iglap, at hindi magandang pagbabago ang nangyari sa pagitan namin.

“Ayoko na, kung magiging ganito lang din tayo mas mabuti pang t-tigilan na lang natin to. “biglang basag ni Calix sa katahimikan, dismayado syang tumayo at umalis nang hindi tinatapos ang pagkain nya. Nagaalala naman syang tiningnan ni Pollux.

Napabuntong hininga ito bago iniwan din ang pagkain at sandali akong tiningnan bago sundan ang umalis na si Calix. Nagpatuloy ako sa pagkain kahit na hindi ko na nalalasahan ang pagkaing kinakain ko at may nagbabara na din sa lalamunan ko kaya nahihirapan akong lumunok pero hindi ko pinapahalata.

Maya-maya pa ay narinig kong bumuntong hininga si Valoria bago tumayo. Napatingin naman sa kanya si Pisces.

“Hindi pa tapos ang pagkain mo, saan ka pupunta?”takang tanong nito pero nagiwas lang sya ng tingin.

“I-I j-just want some fresh air… L-lalabas na muna ako.”sabi nya at bago pa man sya makaalis ay padabog na binagsak ni Pisces ang kutsara nya at naunang umalis, napabuntong hininga naman si Valoria bago umalis.

Ngayon ay kaming dalawa na lang ni Apollo ang naiwan sa lamesa at napatigil ako nang maramdamang nakatingin sya sakin. Nagtatakang tiningnan ko sya pero hindi sya nagsalita o ano, nanatili lang syang nakatingin sakin kaya ngumiti ako ng pilit.

“H-hindi ka rin ba aalis?”tanong ko at sinikap kong wag manginig ang boses ko para ipakitang ayos  lang ako pero mukhang nabigo ako dahil bakas ang pagaalala sa mata nya, kaya nagiwas ako ng tingin bago pa ako tuluyang mawala na naman sa katinuan.

“Gusto mo  bang umalis ako?”nanginginig ang kamay na sinubo ko ang pagkain ko at kahit papano ay nagawa ko naman pero patuloy pa ring kumakabog ang dibdib ko.

‘Ayoko, ayokong umalis ka, ayokong iwan mo rin ako.’ Gusto kong sabihin yan sayo pero ayoko nang gumulo ang isip ko, gusto kong patatagin ang sarili ko at hindi ko magagawa yun kung andito ka sa tabi ko. At ayoko nang paasahin pa ang sarili ko kung alam kong iiwan mo rin ako sa huli.

“Diba aalis ka rin naman? Bakit patatagalin ko pa?”parang tinusok ng ilang karayom ang puso ko sa sinabi ko pero mas nasaktan ako nang makitang nasaktan din sya sa sinabi ko.

Bumuntong hininga sya at tumingala saka pumikit ng ilang sandali bago tumingin sakin at tumango, sa huling pagkakataon ay nginitian nya ako, isang masaya pero may bahid ng lungkot na ngiti. Pero blangko lang akong tumingin sa kanya at pilit na tinatago ang emosyon ko.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon