Chapter 21

12 0 0
                                    

“Iana, okay ka lang ba?”nabalik ako sa huwisyo nang magsalita si Pollux kaya napatingin ako sa kanya, napangiwi ako nang hipuin nya ang daplis sa pisngi ko at napansin ko kung paano sumama ang mukha nya.

Nilibot nya ang paningin nya para tingnan kung may kahina-hinala ba sa paligid o wala at tulad nang nakita ko kanina ay wala namang kahit ano.

“W-wala to, b-baka natamaan lang ng mga naglalaro, a-aksidente lang naman, tsaka hindi naman masyadong mahapdi, hayaan na lang natin.”sabi ko at tumango naman sya. Napatingin ako sa kanya nang may dukutin sya sa bulsa nya, at napangiwi ako nang maramdamang humapdi bigla ang sugat ko sa kung ano mang pinahid nya.

“Tsk, buti na lang pala at may dala na ako nito. Simula kasi nung nagyari sayo sa Pandora, sinigurado kong lagi akong may dalang ganito para kung sakaling masugatan ka mapapagaling ko agad, dahil tulad ng sinabi ko, ayaw kong nasasaktan ka.”sabi nya at pinunasan nya pa ulit ang sugat ko hanggang sa nawala na ang hapdi.

“Yan, gagaling na yan mamaya, tara na.”nakangiting sabi nya at binalik sa bulsa nya ang ointment na  yun bago ako hilahin at maglakad ulit. Akala ko kung saan nya na ako dadalhin, yun pala ipapasyal nya ako sa booth at sa building nila. Namangha ako sa mga nadadaanan naming mga booth at mga naglalarong mga tao, niyaya ko syang puntahan yung mga larong nadadaanan namin at kung sino ang matatalo ay manlilibre sa mga madadaanan naming nagbebenta ng pagkain.

“Talo ka! Yun dun tayo, bilhan mo ko nun!”hinila ko sya dun sa nagbebenta ng matamis na chocolate balls, namimiss ko na rin palang kumain nito, naalala ko na palagi akong nililibre ni Adrian nito kaya nakagustuhan ko na rin.

Natatawa namang nagpahila si Pollux at binilhan nya ako ng isang box!

“Grabe ka naman, anong akala mo sakin patay gutom? Pano ko uubusin lahat ng to?”nakataas kilay kong tanong sa kanya pero tumawa lang sya at ginulo ang buhok ko.

“Parang paborito mo kasi yan kaya yan one month supply. Bakit ayaw mo  ba? Ibabalik ko na la—“aagawin nya na  sana sakin yung box pero nilayo ko at mas niyakap ko pa ito.

“A-ayoko nga, l-libre mo to tapos babawiin mo? Madaya ka!”sabi ko at napailing iling na lang sya. Naisip ko mas maganda nga na may one-month supply ako nito para hindi ako mabored, basta pagkain lang sapat na!

“Tsk, basta nga pagkain, ginagawa mo talaga lahat para manalo.”binelatan ko sya nang matalo na naman sya sa larong sinalihan namin, ewan ko kung talagang magaling lang ako dahil matakaw ako o pinagbibigyan nya lang ako.

“Galingan mo kasi para manalo ka. Sige ka maubos yang allowance mo.”pangaasar ko pero ngumiti lang sya at binilhan ako ng panibagong pagkain, habang naglalakad lakad kami ay kumakain ako at binibigyan ko rin sya, syempre sa kanyang pera to pero pinaghirapan ko naman nu.

“Hindi na, basta ikaw kayang kaya kong magpatalo.”natigilan ako nang sabihin nya yun pero agad ko rin syang inunahan sa paglakad nang nahalata nya ako at tumawa pa sya. Nakakainis tong lalaking to, banat ng banat tapos tatawa para inisin ako.

Nilibot namin ang building nila at may masasabi naman talaga ang pagdesign nila. Pero dahil biased ako ay aaminin kong mas maganda ang  amin.

“O diba mas maganda yung amin? Kaya kung di dahil sa Ymiria kami dapat ang mananalo.”pangaasar nya kaya inismiran ko sya at pinalibot ang paningin ko sa mga taong nagsasaya, may mga pixie fairies din na parang hindi nauubusan ng glitters na pinapasabog nila sa kalangitan. May mga elves din na nagkukulitan at namangha pa ako nang makitang nagbebenta ng mga pagkain ang iba sa kanila. Ang sisipag pala ng mga to.

“Che! Mas maganda pa rin yung amin no!”tinawanan nya lang ako pagkasabi ko nun. Naglibot libot pa kami nun hanggang sa makaabot kami sa Ymiria at mas mahiwaga talaga ang buildings at mga booth nila, may virtual haunted house pa sila, may mga rides pa, kaya siguro sila ang nanalo, well deserved naman talaga nila dahil sa ganda ng pagkakagawa.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon