Chapter 20

13 0 0
                                    

"Yung totoo Iana, p-pano mo nagawa yun?"nahihiyang napakamot ako sa batok ko dahil hindi ko alam kung paano sasagutin yun. Malay ko ba, basta may naramdaman lang ako kakaiba tapos ayun nagagawa ko nang kontrolin ang element ni Calix. Si Calix na ngayon ay inaalalayan ni Apollo dahil mukhang hindi pa rin sya makamove on sa nangyayari.

"Okay Class, don't panic, it's just her attribute, maybe hindi pa masyadong nadedevelop ang attribute ni Ms.Creed kaya nagkakaroon ng abnormality. Don't worry it's normal. Wala kayong dapat na ikabahala. Okay, Ms. Creed won over Mr. Chauncey, try again next time mister."sabi ni sir nang madismiss nya na kami.

"Yey, ang galing talaga ng Lily ko! Akalain mo yun napatumba ka nya Calix!"pangaasar ni Pollux kaya apologetic akong tumingin kay Calix na ngumiti lang pero nang tingnan si Pollux ay sumama ang tingin nya.

"But how did you do that?"napatingin ako kay Valoria nang nagtataka syang napatingin sakin. Parang ngayon lang sya naging curious nang ganito sakin ah.

"Hmm, h-hindi ko rin alam kung paano ko nagawa, pero parang nakaramdam lang ako ng kakaiba tapos bigla ko na lang nakontrol yung element ni Calix pero nagtataka ako kasi nagagawa ko pa ring kontrolin ang element ko.."hindi ko rin alam kung paano nangyari at kung paano ipapaliwanag pero yun ang naramdaman ko kaya wala naman yatang masama dun.

"Well, it's good for you though, being able to control one or more elements is fun. But what if your attribute is more than controlling your element. I mean paano kung walang nangyaring malfunction sa element mo sa pagkontrol mo sa element mo? What if that's really your power?"natigilan ako sa tanong ni Valoria pati ang mga kasama namin sa lamesa. Naisip kong may point  sya, at bumalik din sa isipan ko ang Hari na syang kumokontrol sa air element.

"T-tsaka hindi pwede na dalawang tao ang humawak ng elements diba? It will cause a great imbalance in our world."kinabahan ako aa sinabi ni Percy, dahil tama sya. Kung ganon maaring hindi ito ang kapangyarihan ko pero paano, I mean paano ko naipalabas ang air element ko kung hindi ako ang tanging taong humahawak nito?

"Hey, hey masyado tayong seryoso, let's just celebrate okay? Wag nyo nang pasakitin ang ulo ng Lily ko. Tapos na ang exam kaya wag na nating isipin yun, and next week na ang A-week, we will be busy dahil sa kanya kanyang pakulo ng bawat houses kaya baka hindi tayo magkita kita."pambabasag ni  Pollux sa namumuong tensyon sa pagitan namin. At kahit paano ay nagpapasalamat ako na ginawa nya yun.

"Uy hindi naman namin pinapasakit ang ulo ni Iana, concern lang kami sa maaring mangyari."napatingin ako kay Calix nang sabihin nya yun at sinsero syang ngumiti, ganun din ang katabi nyang si Apollo.

"Ayaw lang naming mapahamak si Iana, lalo na at maraming umaaligid na Icarus ngayon sa paligid ng academy."dun na ako natigilan sa narinig. Icarus, kung ganon pinapabantayan nya ako at mukhang humahanap lang sya ng tyempo para makuha ako.

Pero bakit kailangan nyang magexert ng ganong effort kung pwede nya lang naman akong ipakuha sa mga guards nya? O ganun nya lang talaga kagusto na sya mismo ang humuli sakin, at talagang nagtawag pa sya ng mga kasamahan.

"I-Icarus? Bakit andito sila? Teka baka may pinaplano sila lalo na at malapit na ang A-week!"nababahalang sabi ni Pollux pero nagkibit balikat lang sila.

"Maybe that's the reason kung bakit maghihigpit pa lalo ang seguridad ng academy, lalo na at nandito pa ang hari. At base sa narinig ko hindi bubuksan ang gate ng academy. I think they're not going to welcome outsiders."kung ganun kami kami lang pala ang magcecelebrate nun kung ganon.

"Ay sayang naman. Masaya sanang gumala sa labas tsaka minsan lang natin makasalamuha ang taga bayan kaya sana pumayag sila. Tsaka kaya naman natin yung mga Icarus na yun. Tsk."napatingin ako kay Pollux nang sabihin nya yun at sa pagkakataong yun ay gusto ko syang sabihan na mali sya. Mahirap kalabanin ang mga taga-Icarus, at isa akong patunay doon.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon