Naabutan na kami ng dilim sa daanan kaya tumigil muna kami sa tabi, paanong hindi aabutan ng dilim sa daan eh parang namamasyal lang kami dito sa gubat at mukhang kanina pa kami nakalabas ng Arthenia.
“Paanong nakakapasok ang mga yun sa Pandora? Hindi ba’t nasa loob yun ng Arthenia?”takang tanong ko.
“Nasa labas ng bayan ang Arthenia kaya maaring makapasok ang kahit na sinong may kayang makapasok at isa pa ms mapanganib ang Pandora kaysa Styx dahil madaling nakakapasok doon ang mga kalaban.”kumunot ang noo ko.
“Ah kaya pala madali ka lang nakapasok dito. Pero bakit parang walang aksyong ginagawa ang mga Deans at ang Headmaster?”tanong ko, dahil delikado yun sa kung sino mang papasok lalo na nang maalala ko ang nangyari samin ni Astra.
“Sa Pandora lang sila makakapasok at hindi sa loob ng Arthenia at tanging taga Castalia lang ang makakakita at makakapasok sa loob ng Pandora kaya hindi iyon delikado para sa lahat.”sabi nya pero sandaling kumunot ang noo ko.
“S-si Pollux n-nung hinanap nyo ako dito, p-paano sya nakapasok kung taga-Castalia lang ang…” napatingin sya sakin at agad ding nagiwas ng tingin.
“Ano sa tingin mo?”pagbabalik nya ng tanong sakin at natigilan ako nang maisip nab aka may elemental attribute din si Pollux pero paanong nangyari yun?
Hindi ko na rin sya kinulit pa na sabihin sakin, wala na rin namang maitutulong sakin yun. Nakaupo lang ako, nakasandig sa isang puno at nakayakap sa binti ko habang pinapanood syang paapuyin ang ilang tumpok ng kahoy na nakuha nya sa gilid kanina. May inabot syang tela sakin kaya kinunutan ko lang yun ng noo at hindi tinanggap.
“Mangangalay ka kakaupo dyan, sige na gamitin mo na to.”sabi nya pero hindi ko sya pinansin, bahala syang mapagod sa kakapilit sakin. Napabuntong hininga na lang sya at hindi na ako nakaangal nang hilahin nya ako patayo at nilagyan ng nakatuping tela ang lupa at marahan nya akong pinaupo. Lumayo naman sya pagkatapos at lumapit sa kabayo nya, parang may kinuha sya sa bag na nakasabit dun at lumapit ulit sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay.
“Ganito ka ba kabait sa bihag mo? Grabe ah, effort makaasikaso.”sabi ko nang abutan nya naman ako ng pagkain, kahit mamatay ako sa gutom hinding-hindi ko tatanggapin yun.
“Kunin mo na, baka pagdating natin dun, pagalitan pa ako at sabihang pinabayaan kitang magutom.”sabi nya kaya sinamaan ko sya ng tingin at pinagkrus ang kamay ko para ipakita sa kanyang hindi nya ako mapapasunod, bahala syang mangalay kaka-abot dyan, bakit inutusan ko ba sya?
“Hindi ako gutom, ikaw ang kumain nyan kung gusto mo, at kahit mamatay ako sa gutom, hinding-hindi ko tatanggapin yan,baka mamaya may lason pa yan.”ismid ko sa kanya kaya natahimik sya at walang nagawa kundi umupo sa tabi ko pero may malaking distansya sa pagitan namin, masama akong nakatingin sa apoy sa nasa harap ko at inimagine na sya yun, kasi pag sa kanya talaga ako tumingin, nailang ako kaya ayoko.
Sandali akong napatingin sa kanya nang mapansing tahimik sya, kaya pasimple ko syang sinilip sa gilid ng mata ko at nangunot ang noo ko nang makitang binubuksan nya ang damit nya, magiiwas n asana ako ng tingin dahil baka sabihin nyang naninilip ako pero natigilan ako nang makitang may benda ang dibdib nya—yung sugat nya nung nasa… A-akala ko ba ginamot na yan? Bakit?
Agad akong nagiwas ng tingin nang tumingin sya sakin, pero nanatiling kunot ang noo ko dahil sa bendang iyon, ang sabi ni Pollux dalawang araw na kami doon at gumaling na rin ang sugat ko kaya bakit sya, bago bang sugat yun? Pero galing saan?
Sinilip ko ulit sya pero nakasarado na ang damit nya at ginagamot nya naman ang braso nyang nadaplisan kanina. Naipatong ko ang mukha ko sa magkabilang tuhod ko at napapikit, kahit na sabihing niloko nya ako at nagagalit ako sa kanya, hindi ko pa rin maiwasang magalala at dahil iyon sa nakakainis na pagmamahal na to.