Chapter 38

11 0 0
                                    

ILIANA

Nakausap ko sila pero bigo akong mapapayag sila sa plano ko, siguro ay ayaw nilang madamay at naiintindihan ko iyon kaya susubukan kong gawin ang plan B. Ito ang naisip kong pangalawa oras na sumablay ang isa at delikado man ay wala na akong magagawa.

Nakagat ko ang labi ko dahil hindi ito alam ni Apollo pero alam kong maiintindihan nya naman pag nagkataon. Tinapik ko si Gemini at pilit na pinapaalis pero nanatili syang matigas ang ulo mana sa amo.

"Gemini wag kang magalala kaya ko to, kaya kong protektahan ang sarili ko sige na, tatawagin na lang kita kapag kailangan pero mas mabuting puntahan mo muna si Apollo baka kailanganin ka nya."sabi ko at wala naman itong nagawa kundi umalis.

Nang mawala na sya sa paningin ko ay huminga ako ng malalim bago maglakad palabas ng gubat na to. Nasa bukana lang naman ako at pagkalabas ko dito at bubungad na sakin ang kastilyo. Katangahan man pero sana maging maganda ang kalalabasan nito.

Pero bago pa man ako makalabas ng gubat ay may tumututok na agad na espada sa leeg ko kaya napatigil ako.

"Ang lakas naman ng loob mong pumasok sa teritoryong to. Ano sawa ka  na  ba sa buhay--" natigil sya nang itaas ko ang sleeve ng damit ko at ipakita sa kanya yun. Nanlalaki naman ang mga mata nya habang nakatingin doon na parang hindi makapaniwala. Maya-maya pa ay ngumisi sya.

"Tingnan mo nga naman. Siguro napagisip-isip mo nang sumanib samin tutal wala namang ibang tatanggap sayo kundi kauri mo rin lang naman."sabi nya pero inirapan ko lang. Binaba nya ang espada nya at sinamahan akong makapasok sa palasyo, pero alam kong nakaalerto lang sya kung sakaling may gawin akong masama.

Pagpasok pa lang sa kastilyo ay sumalubong na agad sakin ang gloomy aura, ang mga dark colored na mga gamit sa paligid ay nakadagdag lang sa pagkacreepy ng lugar. Hindi ba sila natatakot?

Tumigil kami sa harap ng isang mahabang lamesa kung saan kumakain ang ilang tao. Si papa, Cassandra at l-lolo? Pero nanlaki ang mata ko nang makilala ang dalawa pang nakaupo dito. Adrian. Sya at mama nya, ang dating reyna ng Parthenia.

Ito ba talaga sila? Kung ganon totoo ngang nagpanggap sila? Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya pero ngumiti lang sya na para bang inaasahan nya na ako. Hindi, mukhang inaasahan nilang lahat na pupunta ako dito.

"Halika, sumabay ka saming kumain, apo. Mukhang hindi ka pa kuma--"

"Hindi ako nagugutom at hindi ko maatim na sumabay sa mga katulad nyo."nasusuklam na sabi ko kaya napabitaw sya ng kutsara at nanunuyang tumingin sakin. Napatingin ako sandali kay Cassandra at parang hindi sya sang-ayon na nandito ako.

"Iisang dugo lang dumadaloy sating katawan, apo kung ganon ba kinasusuklaman mo rin ang sarili mo? Dahil kahit ilang beses mong itanggi, hindi mo mabubura ang katotohanang kasapi ka namin."sabi nya kaya natigilan ako at hindi nakaimik.

"Pagod na yata ang anak ko,papa. Ihahatid ko na muna sya sa kwarto nya. Excuse me."kumunot ang noo ko nang tumayo sya at tumango lang ang matanda.

Lumapit sya sakin at ayun na naman ang blangkong ekspresyon sa mata nya, hinawakan nya ako sa braso at naglakad palayo sa dining room. Tumigil kami sa tapat ng isang kwarto, binuksan nya ang pinto at pumasok kami doon.

"Mabuti naman at naalog ang utak mo kaya mo naisipang bumalik dito, dahil dito ka nababagay anak, walang ibang tatanggap sayo--"

"Nagkakamali ka si Apollo, sa kabila nang nangyari at nang nakaraan namin, hindi nya ako pinagtabuyan, tinanggap nya ako ng buong buo, kaya bakit hindi nyo makita iyon--"

"Dahil kahit kailan hindi nila matatanggap ang mga tulad natin, isa tayong kalaban sa paningin nila at ganun din tayo at kahit anong gawin natin ay hindi na magbabago yun."napapikit naman ako dahil parang mahihirapan akong kumbinsihin sya, pero susubukan ko pa rin.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon