POLLUX
"Ano may nahanap ba kayo?"nagaalalang tanong ko pero umiling lang silang dalawa. Hinihingal na napaupo ako sandali. Malapit nang pumatak ang curfew at siguradong malilintikan kami kay kuya pag nahuli nila kaming pagala gala sa ganitong oras.
"Malapit nang magcurfew, baka mapagalitan tayo."sabi ni Calix kaya natahimik ako at nagisip nang maaring gawin namin.
"Binalikan ko yung dorm nila at chineck si Valoria pero wala pa rin daw si Iana. Kaya siguro nandito lang sya sa paligid."nagtatakang napatingin ako kay Apollo.
Masama ang kutob ko sa maaaring nangyari, at ilang beses kong hiniling na sana nagtago lang o tumambay sa isang lugar si Iana pero hindi ko maiwasang kabahan.
"Nalibot ko na yung buong gubat pero wala sya don. Ilang beses ko na ring naikot ang ikang buildings dito."sabi ko.
"Binalikan ko ang Pyrrha, library at yung mga banyo pero wala talaga sya dun."napahilamos ako sa sinabi ni Apollo. Fuck, pano ba namin gagawin to?
"Chineck ko ang auditorium at ibang halls pati ang classroom pero wala na talagang tao dun. Teka may dalawang lugar pa tayong hindi nachecheck."sabi ni Calix kaya nagangat ako ng tingin sa kanya pati si Apollo ay napatingin sa kanya.
"Imposibleng nandun sya."sabi ni Apollo pero napaisip ako. Kahit ayokong magisip nang masama ay hindi ko maiwasang isipin na may posibilidad na ganun ang nangyari.
"Pero hindi rin imposibleng nandun sya. Bakit hindi natin tingnan?"nanlalaking mata na tumingin silang dalawa sakin.
Styx Forest at Tartarus Detention Room ang tinutukoy namin dito, ang mga ito na nagsisilbing impyerno sa lahat ng mga estudyante.
"S-sigurado ka ba dyan? Pollux?"hindi makapaniwalang saad ni Apollo. Napalunok ako dahil alam namin na delikado at hindi kami pwede dun pero nagaalala ako kay Iana.
"Anong ginagawa nyo sa labas ng mga dorm nyo? Magcucurfew na, gusto nyo bang matulog sa Tartarus?"agad kaming natigilan at tiningnan ang nagsalita. Natense naman ang dalawang kasama ko lalo na sa masasamang tingin na nilalabas nya. Tsk masyado talagang seryoso sa buhay tong kuya ko.
"Kuya, may hinahanap kasi kami, hindi ba pwedeng palampasin mo--"
"Palampasin?"hindi makapaniwalang sabi nya habang nakataas ang kilay kaya napabuntong hininga ako.
"May importante kasi kaming hinahanap--"
"Pwede nyong ipagpabukas yang hinahanap nyo, bakit hindi na ba makapaghintay yan--"
"Nawawala ang kaibigan namin kuya! Ano ba! Buhay ni Iana ang pinaguusapan dito hindi ba pwedeng palampasin mo na muna kasi emergency naman to?!"hindi ko na napigilang pagtaasan sya ng boses dahilan para magulat ang dalawa sa likod ko pati ang magaling na lalaking kausap ko. Pero agad ding sumeryoso ang itsura nya at nanunuyang tumingin sakin.
"Is it--"
"Pres! May problema!"napakunot ang noo ko nang biglang dumating ang taga-Council. Liningon naman sya ni kuya kaya pansamantalang nawala ang tensyon sa pagitan namin.
"What?"
"N-nawawala yung susi ng Tartarus! T-tsaka..." dun na mas bumilis ang takbo ng puso ko. Hindi pwedeng mangyari pero malakas ang kutob ko.
"Then what?"
"M-mukhang may tao sa loob kasi umaandar yung generator."dun na ako nakakuha ng confirmation. Fuck.
"Nasan ang susi? May duplicate ba?"hindi mapakaling tanong ko, sumunod naman ang dalawa sa likod ko.
Nilingon ako ni kuya nang may nagtatakang tingin.