Chapter 25

11 0 0
                                    

Inalalayan nya ako pababa kaya nagpasalamat ako na sinuklian nya naman ng ngiti. Naglalakad kami pabalik sa bahay dahil tanghali na at kakain na ako kasama sila Pisces at magpaplano pa kami. Dahil mukhang mali ang hinala namin. Mukhang hindi rin alam ni Seo kung saan makikita ang binyeong na  yun, bakit kasi yun pa?

"Mamayang hapon, magkita tayo dito, may ibibigay ako sayo."sabi  nya kaya kahit nagtataka ay tumango ako. Hindi nya sinabi kung ano ang ibibigay nya at tahimik lang sya hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay.

Biglang bumukas yun at nagsilabasan ang mga kasama ko. Si Calix na may nanunuyang ngiti, si Valoria at Pisces na poekr face lang habang si Apollo ay seryoso lang ang mukha at nahuli kong nakatingin sa buhok ko. Pasimple ko namang kinapa ang buhok ko para malaman kung may mali ba o dumi pero wala naman. Nang tingnan ko sya ulit ay hindi na sya nakatingin sakin, parang biglang nanikip ang dibdib ko sa ginawa nya kaya napalunok ako at nabaling ang tingin kay Soo na nakakapit na naman pala sa palda ko.

"Sasabay kaming mananghalian sa inyo, okay lang ba? Dong Joo-unnie?"tanong nya kaya sino ba naman ako para tumanggi. Tumango ako at nakita ko sa gilid ng mata ko si Seo na napailing iling na lang. Magaling din pala mangasar tong kapatid nya no. Pero sige pagbibigyan natin.

Dun ulit kami kumain sa kinainan namin kahapon at napangiti ang nagbebenta dun ng pagkain pagkakita nya samin.

"Mr. Seo, mabuti naman po at napadalaw kayo dito. Ito ang aming specialty ngayon."sabi nya at inahain ang mga putahe sa lamesa namin.

"Sige, pakisabi sa mga kumakain  dito na sagot ko na ang pananghalian nilang lahat pati tong amin."nagsihiyawan naman ang mga tao na kumakain sa paligid at mas ginanahan pa sila sa pagkain. Maya maya pa ay dinumog na ang kainan ni manang at hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa galing magpasikat ng lalaking to.

"S-sigurado ka bang ililibre mo rin to? B-baka.. T-tsaka may pera pa naman--"

"Minsan lang naman to kaya hayaan mo na lang."nakangiting sabi nya kaya hinayaan ko na nga lang.

Pero nang balingan ko si Apollo ay nagtaka ako nang makitang nakakunot noo syang nakatingin kay Seo, pinagsawalang bahala ko na lang at nagpatuloy sa pagkain.

Matapos kumain ay nagpaalam na muna sila samin. Kaya umuwi kaming lima at nagusap.

"Anong sabi nya may nabanggit ba?"tanong ni Pisces kaya umiling ako, nadismaya naman sya kaya napalunok ako.

"Kailangan na nating makabalik bukas,Iana, gawan mo ng paraan."sabi ni  Valoria kaya napatango ako at napabuntong hininga.

"Baka naman kasi wala talaga sa kanya yun. Wag naman nating ipressure si Iana--"

"Shut up Griffins, you're not helping."sabi ni Pisces pero hinawakan sya ni Valoria sa braso kaya napatigil sya at napabuntong hininga. Napatingin naman ako kay Apollo na nakayuko na, naguilty ako dahil nagaalala lang naman sya sakin pero napagalitan pa sya.

"P-pero may ibibigay sya sakin mamayang hapon kaya umasa tayo na  yun na  yun para matapos na to."sabi ko at tumango naman sila.

Nagpahinga muna sila pagkatapos non pero naisip kong maglibot libot muna, tutal last day ko naman to ngayon. Namasyal ako sa mga stall ng pagkain at nagtingin-tingin, inalok pa ako nung babae na libre na lang daw pero tinanggihan ko, kaso masyadong mapilit kaya wala akong nagawa kundi tanggapin yun at nasarapan naman ako.

Nagulat naman ako nang ibigay nya sakin ang isang buong basket na ibabalik ko sana pero sabi nyang akin na lang daw.

"Thank you po dito."sabi ko at nakangiti naman syang tumango. Habang naglalakad ay kinakain ko yung colorful na bilog na yun at halos nangangalahati na ako dahil masarap at hindi sya nakakaumay.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon