Pinunas ko muna ang kamay ko sa palda bago hawakan ang kamay nya. Medyo naiilang pa ako kasi parang pamilyar.
Napalunok ako nang igiya nya ako papunta sa gitna ng dancefloor. Automatic na nagsialisan yung mga sumasayaw kanina. Tsaka ko lang naalala na hari pala ang kasayaw ko kaya malamang ganun ang gagawin nila.
"Mukhang kinakabahan ka, may problema ba?"nagtataka akong napatingin sa kanya at aligagang umiling pero agad ding nagiwas ng tingin sa kanya.
"Hmm, nagaalala ka ba na baka magtampo yung partner mo?"napabalik ang tingin ko sa kanya at sa sandaling yun parang nakatingin ako isang pamilyar na pares ng mata.
Pero agad akong umiling sa kanya at kinakabahang nagiwas ng tingin. Hindi pwede. Imposibleng mangyari yun.
Habang nagsasayaw kami ay sinusubukan kong sabayan sya dahil nakakahiya naman kung magkamali mali ako.
"Mukhang naiilang ka sakin. Pero wala naman akong nakikitang rason para mailang ka."pamumuna nya kaya mas napayuko ako. Paanong hindi nya malalaman ang rason? Baka nakakalimutan nyang hari sya kaya ganito ako umasta?
"H-hindi naman po ganon, kamahalan."
"O baka nagtatampo ka dahil hindi nakapunta si Adrian?"agad akong nagangat ng tingin at nagtatakang bumaling sa kanya. Napakurap kurap ako nang bigla syang ngumiti.
"May pinagawa kasi ako sa kanya kaya hindi sya nakapunta, kaya naalala kita lalo na nang malaman kong may event pala dito ngayon."sandaling nangunot ang noo ko sa sinabi nya.
"Naalala?"nagtatakang sabi ko at mukhang natauhan sya dahil sa sinabi pero agad ding ngumiti at umiling.
"Madalas kang ikwento sakin ni Adrian kaya kahit papaano naalala rin kita lalo na at nabanggit nya sakin na may usapan pala kayo ngayon."sandali akong nabunutan ng tinik sa sinabi nya. Mali ang iniisip mo Iana, hindi pwedeng mangyari yun.
"Ganun po ba? S-salamat po. A-ah, pwede po bang pakisabi sa kanya na hindi naman ako nagtatampo at naiintindihan ko naman kung may ginagawa sya. Marami pa namang pagkakataon para makapagkita kami ulit."sabi ko at nakitaan ko ang sandaling tuwa ang mata nya, hindi ko alam kung namamalikmata lang ako o ano pero binura ko na ang hinalang yun sa isip ko.
Hindi rin nagtagal ang pagsayaw nya sakin dahil hinatid nya na rin ako pabalik sa lamesa ko. Nagpasalamat ulit ako at tsaka sya umalis.
Nagsibalik na sa dancefloor ang mga tao at hindi ko na nakitang nangyaya o sumayaw pa ulit ang hari, nanatili lang syang nakaupo at paminsan minsang umiinom at kumakain habang pinapanood kami.
Pero nang mabaling sakin ang tingin nya ay agad akong nagiwas ng tingin dahil biglang kumalabog ng malakas ang dibdib ko. A-anong nangyayari sakin?
"Uy, Iana, sabi mo isasayaw mo ko?"nabalik ako sa huwisyo at napatingin kay Pollux na nasa tabi ko at mukhang kanina pa ako kinakausap.
"O, andito ka pala, ah teka, ngayon na ba?"nagaalangang tanong ko kaya napanguso naman sya.
"Madaya ka, nakasayaw mo lang yung hari ayaw mo na agad sakin."nagtatampong sabi nya kaya natawa ako.
"Baliw ka talaga. Oo na papayag na ako. Sandali, si Apollo asan?"takang tanong ko kaya mas lalo syang napanguso.
"Yan isa pa yan, tsk, ang daya nyo talaga."sinamaan ko sya ng tingin para tumigil na sya kaya umayos naman sya at inirapan pa ako.
"Tsk, ewan ko dun sa gunggong na yun. Sabi nya magbabanyo lang eh kanina pa yun."sabi nya kaya napatango ako. Nagbanyo lang pala.
"Ah ganun ba. Sumakit siguro ang tyan kakalamon kaya ganun."sabi ko at umismid naman si Pollux. Baliw talaga to.