THIRD PERSON
Hindi na napigilan ni Iana na tumakbo palapit sa kanyang ama na patuloy pa ring umiiyak habang yakap yakap nito ang malamig na bangkay ng anak.
"C-Cassandra. a-anak, anak gumising ka."paulit ulit nitong sabi at hindi rin makapaniwalang tiningnan ito ni Iana. Nakokonsensya sya dahil sa kanya nangyari ang lahat ng ito at eto napahamak ang kapatid nya.
"Andito ka lang pala,tsk tingnan mo nang dahil sayo may napahamak na naman."sabi ni Adrian at pabalag na hinila ang braso nya para patayuin sya kaya naalerto naman ang ama nya at agad na nahila ang anak nya palapit sa kanya, agad nyang tinutukan ng espada si Adrian na walang emosyong nakatingin dito.
"Subukan mong hawakan ang anak ko at hindi ka na masisikatan ng araw bukas."banta nito kaya walang nagawa si Adrian kundi samaan lang sila ng tingin at umalis.
"S-sorry, s-sorry, d-dahil sakin k-kaya nangyari to. P-papa, C-Cassandra I'm sorry.."humagulgol ang mag-ama habang hindi pa rin makapaniwala sa sinapit ni Cassandra. Sandali naman syang tiningnan ng ama at umiling kaya nagtaka sya.
"W-wala kang kasalanan at tama lang... tama lang ang sinabi mo kanina. K-kung naunahan ko lang sana sya, hindi sana mangyayari to. K-kasalanan ko ang lahat.."nagsisising saad nito kaya napalunok si Iana habang tinitingnan na umiyak sa harapan ang ama, taliwas sa malamig na ekspresyon nito kanina.
Nabaling naman ang tingin nya nang unti-unting nagiging abo ang katawan ni Cassandra, nanlalabo ang mga matang pinanood nyang maging abo ang kapatid nyang kakakilala nya lang.
Marahang nilapag ng ama nya ang katawan nito sa sahig at hinayaan na tuluyang maging abo ang katawan nito na unti-unti namang nawawala sa hangin. Nang wala nang matira sa katawan at abo nito at natahimik ang mag-ama, kapwa nagiisip kung paano makakaganti.
"Anak sya ng mama mo sa ibang lalaki. She was raped, and so I killed that bastard, Cassandra's real father."gulat syang napatingin sa isiniwalat ng ama.
"At first I also want to kill the child, pero habang lumalaki sya at kung pano nya ako itrato bilang ama, napamahal na rin ako sa kanya at tinuring syang parang anak ko na.Wala akong ibang pinagsabihan sa totoong pagkatao nya at kahit sya ay hindi alam yun. Kaming dalawa lang ng mama mo ang may alam pero pinili naming ibaon sa limot dahil parang anak ko na rin sya at mahal ko sya, kayong dalawa."napapikit ito sandali nang maalala ang pagkamatay ng anak. Hindi pa rin sya makapaniwala na nagawa ng sarili nitong lolo na patayin ito.
"Pero ngayon, hindi ako papayag na pati ang nagiisa ko na lang na anak ay mawala pa."sabi nito at magsasalita pa sana ako kung hindi lang kami nabulabog ng isang malakas na pagsabog.
'Iana! Nasa loob ka ba?'
Napangiwi ako nang marinig yung sigaw ni Apollo sa isip ko kaya sinubukan ko rin syang sagutin.
'Nasan ba kayo? Wag kang magalala, ayos lang ako. Kayo ba yung nagpasabog?'
Medyo mahirap pa lang gawin to dahil malayo sya sakin kaya hindi ko masyadong maconnect ang isip ko sa isip nya.
'Nasan ka? Pupuntahan kita, Iana'
Napapikit ako at napatingin kay papa na mukhang alam na rin ang nangyayari.
"Mukhang napaaga ang pagsugod nila dito."nakita kong dumilim ang anyo nya habang nakatingin sa bintana na nasa gilid namin. Gusto kong kumbinsihin si papa kaso alam kong mahihirapan ako.
"P-papa, a-alam kong mahirap ang hihingin ko pero p-pwede bang s-samin ka na lang kumampi? N-noon walang problema sakin kahit sino ang makalaban kong taga-Icarus pero ngayon.. ngayon na nalaman ko na ang lahat, n-nahihirapan ako, h-hindi ko kayang p-pati ikaw ay makalaban ko."natahimik sya sandali at tumingin lang sakin kaya napabuntong hininga ako.