Dahan-dahan kong ginalaw ang kamay ko at dahan-dahan ding dinilat ang mga mata ko. Napadaing ako nang maramdaman ang sakit sa likod ko. Sinubukan kong gumalaw pero sobrang bigat ng pakiramdam ko.
A-anong nangyari?
Napapikit ako ulit nang maramdamang sumakit ang ulo ko. Pilit kong inaalala kung ano ang mga nangyari at bakit nandito ako sa clinic?
Party. King. Adrian. Tapos umalis ako tapos teka si Apollo. Si Apollo yung narinig ko sa Styx. A-anong nangyari? Pano ako napunta dito? Asan na kaya yung si Apollo?
Sinubukan kong bumangon at kasabay nun ay ang pagbukas ng pinto.
"C-Calix?"
"Pollux, gising na sya."masayang sabi nya at naguunahan pa sila sa pagpasok dalawa.
"Uy, wa ka munang gumalaw masyado baka bumukas yung sugat mo. Tsaka mahina ka pa. Hindi rin biro yung nangyari."sabi nya kaya napakunot ang noo ko. Ano bang nangyari?
"Nangyari? A-ano bang nangyari?"takang tanong ko. Dahil wala talaga akong maalala kung bakit at paano ako nagkaganito. Kung meron man eh hanggang dun lang sa narinig kong sumigaw si Apollo at pagkatapos nun ay wala na.
"T-teka wag mong sabihing wala kang naalala?"nagkatinginan silang dalawa at parang naguusap pa sa mga isipan nila samantalang ako parang tanga na hindi alam kung ano ang nangyari.
"Ang huli kong natatandaan eh yung narinig kong sumigaw si Apollo at hindi ko na alam kung saan ako pumunta at anong nangyari pagkatapos. Teka, si Apollo may nangyari ba sa kanya? Asan sya?"napatingin silang dalawa sakin at napabuntong hininga bago magsalita si Pollux.
"Gising na si Apollo at nagpapahinga na rin. Parehas kayong walang maalala sa nangyari at naisip namin na baka epekto yan ng pagpasok nyo sa Styx."nanigas ako sa narinig. Styx? Pumasok ako, I mean kami sa Styx? Anong ginawa namin dun?
"Styx? Y-yung fo-forbidden forest ba? P-pero a-anong g-ginagawa namin dun?"parang tanga kong tanong.
"Hindi rin namin alam Iana, at kung pipilitin naming maalala nyo eh baka mas lalong sumama ang pakiramdam nyong dalawa kaya hayaan na lang nating maalala nyo ulit. Hindi ring magtatagal at maalala nyo ulit yun. Pero ngayon magpahinga ka muna."sabi nya at pilit akong pinapahiga, nagmatigas pa ako pero napatigil din agad nang makaramdam ng kirot sa likod ko.
"Ayan wag ka muna kasi gumalaw. Hindi pa magaling yung sugat mo."sabi nya kaya nagtaka ako.
"T-teka ilang oras na ba akong nakatulog?"napakunot ang noo nilang dalawa at nagkatinginan bago hindi makapaniwalang tumingin sakin.
"Araw, Iana. Tatlong araw ka nang nakahiga dyan. Mas nauna nga lang si Apollo, kahapon pa sya nakalabas, at nagpapahinga ngayon sa kwarto nya. Eh ikaw ngayon ka lang--"
"Tatlong araw? P-ero bakit bakit yung sugat ko? Bakit di pa gumagaling? T-teka.."nanlumo ako nang maisip na baka gusto talaga akong pahirapan ng mga taong to kaya hindi nila ako--
"Sinubukan nilang gamutin yung sugat mo gamit yung potion, pinainom rin nila kayo ng potion para mas bumilis ang paggaling nyo pero hindi tumalab. Tsaka nila narealize na hindi tatalab ang kahit na anong potion sa mga sugat na makukuha ng isang tao sa Styx Forest. Yun ang dahilan kung bakit pinagbabawalan tayong pumunta dun, kasi hindi tayo tatagal ng ilang minuto o kahit ilang oras man lang. Pero kayo.."
Napatingin ako sa kanya nang tumigil sya sa pagsalita. Napansin kong siniko sya ni Calix kaya natahimik sya. Pero gusto kong malaman kung ano yun baka sakaling maalala ko ang nangyari.
"Magpahinga ka na, Iana, babalik na lang kami mamaya--"
"Hindi, tapusin mo yung sinasabi mo, a-anong kami? sino, kami ba ni Apollo? Ano nakita nyo ba yung nangyari?"nagkatinginan pa silang dalawa bago napabuntong hininga at sagutin ako.