Chapter 7

25 2 0
                                    

Hindi ako magkandaugaga sa pagbihis ng uniform. Pero natigilan ako nang may kumatok kaya pinapasok ko.

"Goodmorning po Ms. Creed." bati nya kaya binati ko din sya pabalik at ngumiti.

"May problema po ba?"tanong ko at umiling naman sya. Napatingin sya sa kung saan kaya sinundan ko yung tinitingnan nya at nagtaka ako nang nakitang nakatingin sya sa higaan ko.

"Mabuti naman po pala at natuyo na yung beddings nyo."lumiwanag ang itsura ko at nabalik sa kanya ang tingin ko.

"Ah, ikaw pala yung nagpatuyo ng beddings ko.Thank you po pala dun ha. Naabala pa kayo."nginitian ko sya at tumango naman sya.

"Okay lang po yun, Ms. Creed. Buti na nga lang po at pinapunta ako kanina ni Ms. Faust dito, kaya yun napatuyo ko po agad yung beddings nyo.  Mukhang mabait nga sayo si Ms. Faust eh."sabi nya kaya nangunot ang noo ko.

Faust?

"Ah bakit nyo naman nasabing mabait sya sakin?"takang tanong ko dahil parang hindi naman. Kasi kanina muntik nya na akong gawing yelo.

"Ayaw nya kasi nang may roommate kaya ang ginagawa nya. Ginagawa nyang yelo yung kabilang part ng room which is yung sayo para hindi matulugan ng mga bagong dating. Hindi din nagtatagal dito yung iba kasi palagi nyang pinagtitripan ng yelo nya. Kaya ayun nagpapalipat. Pero ikaw maswerte ka at mukhang pinalampas nya yung kagabi."lihim akong napangiti. Hindi naman talaga sya masama, medyo may kabaitan naman pala sya.

"Ah sige sige. Mauna na muna ako ha, tawagan mo ako sa susunod kapag pinagtripan ka nya."bilin nya at nagbow muna at dali daling umalis kaya tinanguan ko lang sya.

Shit! Bumalik na ako sa pagaayos ng sarili ko dahil malalate na talaga ako. Sinuot ko ang all straight white long-sleeved na puting dress na may dark blue hemlines sa collar nito, above the knee lang ito at hindi naman maiksi, tama lang.

At medyo humigpit sya sa waist  banda na para bang nasukat sakin to bago tahiin. Kaya medyo flowy and palda. Sinuot ko rin ang dark blue na short necktie na nay white slant lines sa lower part.At kalaunan ay nakita ko sa handbook kung paano isuot ang double layered cloak na ito. Dark blue ang upper part na mas maiksi kaysa sa lower part na lumalaylay lang sa sahig.

May hood din ito na kaparehas ng color sa upper part. Pero may puting hemline sa dulo ng upper layer ng cloak. Yung lower part naman ay parang nakakabit lang sa upper part pero medyo light syang tingnan at parang translucent sya at medyo kumikinang kaysa sa upper part.

Sinuot ko ito at napansin ko ang blue diamond-shaped na lumitaw at nagpin sa upper hemline ng cloak, kaya nagclosed ito.Hindi naman masyadong natatabunan ang white dress na suot ko, at kitang-kita pa rin naman ito.  Sinuot ko na rin  pati ang black plain stockings at short boots may blue color sa lower  part ng sapatos.

Mukhang ito ang dahilan para malate ako ngayong first day. Hindi ko na pinagakabalahang ayusin ang lagpas shoulder kong buhok , hinayaan ko lang itong nakalaylay.  Tanging handbook lang ang dala ko dahil nakastate naman dito na yun lang ang dadalhin ngayon dahil assembly pa lang naman.

Nagdala na rin ako ng mapa para malaman ko kung saang lupalop ng Arthenia ang Vespir's Hall na yun.

"All Arthenians, please proceed to the Vespir's Hall immediately. Latecomers will have a demerit as well as the absentees. You only have 10 minutes to come here."

Oo na, papunta na. Iniwan ko na lang muna sa cabinet ang bag at mga documents at inipit sa loob ng cloak ko ang dala kong handbook. Nagulat naman ako nang maramdamang may gumalaw sa loob ng cloak ko. Sinilip ko ito at nakitang nagkaroon ng maliit na pocket sa loob. Cool. Kaya yun nagkasya dun ang handbook.

ArtheniaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon