"San ba kasi tayo pupunta? Mag uumpisa na maya maya yung klase ko."medyo naiinis kong sabi. Kanina nya pa kasi ako hinihila kaya mas pinagtitinginan kami ng mga dumadaan.
"Pipili tayo ng outfit na susuutin natin sa party this friday. Hindi ka ba nasabihan?"ay oo nga pala. Nawala yun sa isip ko.
"Kailangan ba talagang pumunta dun? Wala naman akong ibang kakilala. Tsaka mas gugustuhin ko pang matulog kaysa magsayaw sayaw."naboboringan kong sabi kaya napatigil sya sa paglalakad at ngayon ko lang napansin na nandito kami sa tapat ng Workshop Room.Ano namang meron dito.
"Ikaw talaga. Ano introvert ka ba? Tsaka hindi naman puro sayaw yun. Meron ding kainan. At alam kong magugustuhan mo yung mga pagkain don. Promise."Kahit papano ay nacurios naman ako at tsaka sinabi ko bang hindi ako pupunta? Baka masarap nga yung mga pagkain dun.
"Teka. Dapat may partner din. Ikaw meron ka na ba? Like wala ka bang gustong makasayaw sa party na yun?"natigilan ako dahil wala namang may nagyaya sakin. Alam ko namang walang magyaya sakin. Pero kung meron man ituturn down ko agad, tinatamad ako sa partner na yan at baka maissue na naman ako.
"Hmm. Mukhang wala ka pang partner ah. So pano ba yan, I nominate myse--"
"M-meron na!"bigla kong sabi kaya napakunot ang noo nya na parang bang hindi naniniwala sakin.
Kung meron man akong gustong makasayaw sa gabing yun, walang iba kundi si Adrian. Sabi nya baka makadalaw ulit sya within this week kaya umaasa akong makakapunta sya ngayong Friday.
"M-meron na? Hmm, fishy. Bakit hindi ka agad sumagot nung tinanong kita?"naniningkit mata nyang tanong kaya nakangiting umiling ako.
"Nakalimutan ko kasi na niyaya nya ako last time kaya ngayon lang ako nakapagsabi."pilit na ngiting sabi ko at napasimangot naman sya.
"Ang O.A mo nakasimangot agad. Tsaka magkaibigan lang tayo no. May friends bang magkapartner sa ball?"tumaas naman ang kilay nya at napangiti
"Oo! Ikaw at ako sana tsk. Pero de bale, yayain pa rin kitang sumayaw."nakangiting sabi nya kaya hinayaan ko sya sa gusto nya. Hinila nya ako papasok at sinalubong kami ng napakahabang pila. May mga tatlong lamesa para sa bawat gender. At nakapila sila para pumili ng susuutin.
"Dun ka na. Pumili ka na dun."sabi ko pero umiling sya.
"Sasamahan kitang pumili para hindi ka mahirapan. Eto pili ka dito magaganda tong mga to. Hinila nya ako malapit sa mga lamesa kung saan marami ding namimili.
Kumunot ang noo ko dahil imbis na mga damit ay maliit na box ang sumalubong sakin na may iba't-ibang kulay.
"Ba't ganito?"takang tanong ko kaya natawa ng mahina si Pollux.
"Miniature box version to ng actual na lalagyan ng gown at ng mga alahas kung meron. Pisadyang yang maliit para madaling bitbitin at idisplay. Ang galing diba?"namangha ako sa sinabi nya. Ganun pala yun.
Nahampas ko sya sa balikat nang akmang sasabihan nyang paunahin kami ng mga nakauna na dun. Ang bastos naman kung ganun. Naghanap ako ng medyo maluwag na lamesa. At nagtaka ako nang makitang apat pala ang lamesa at yung tatlong lamesa lang ang pinagkakaguluhan nila. At parang nilalangaw ang ikaapat.
"O ba't dyan ka pupunta? Dito ka o. Magaganda dito." sabi ni Pollux pero hindi ko sya pinansin.
Linapitan ko yung parang nilalangaw na lamesa, at nanatiling nakasunod sakin si Pollux na nagtataka kung bakit dito ako pipili. Ayoko lang makisabay sa uso at gusto ng lahat. I always want to go against the wave. Ayokong maging sunud-sunuran.
Puro dark colors ang nakikita ko sa lamesang to kumpara sa tatlong lamesa na puro light colors at nagniningning na mga glitters.
"Hija. Pumili ka lang dyan ng magugustuhan mo."napatingin ako sa babaeng di katandaan na nagbabantay sa lamesang yun.
"Iana,sigurado ka ba dito?"bulong ni Pollux pero hindi ko sya pinansin.
Pumili ako sa mga ito pero parang walang nakapukaw ng interes ko. Maliban lang sa isang box na kulay dark blue at napansin kong may lumitaw na maliit na ilaw at bigla lang nawala agad.
"Ay bakit nandito tong isang to. Pasensya na hija pero hindi yung pwede."nawala ang atensyon ko dun sa box nang kunin nung matanda ang box at tinago sa cabinet nya.
"Ah m-maganda po sya. Sayang naman po."sabi ko, may something dun sa box na parang gusto kong alamin kung ano. Gusto kong makita ang gown sa loob ng box, para kasing may something.
"Hindi kasi sya pwede hija eh. Pero.."
"Pero po?"
"Since ikaw lang ang magisang umengganyo ng display ko. Sige ibibigay ko to sa iyo. Sigurado akong bagay na bagay yan sayo hija at ikaw ang magniningning sa gabing yun."sabi nya kaya napangiti ako. Sana magustuhan din ni Adrian ang napili ko. Nilabas nya ulit ang box at binigay sakin. Nagniningning ang mga matang tinanggap ko yun at pinasalamatan sya.
"Iana, sure kana bala talaga dyan?"hindi makapaniwalang tanong ni Pollux habang naglalakad kami papunta sa mga lalaki. Tinanguan ko sya at sinamahang pumili ng kanya.
"Tsk. Sige na ihahatid na kita. Malapit lang naman classroom ko tsaka mabilis akong tumakbo kaya yakang yaka."hinayaan ko na lang syang ihatid ako. Habang naglalakad kami ay tinatanong nya ako ng kung ano ano.
"Pero totoo ba talaga na wala kang kapangyarihan? Bakit ganun?"takang tanong nya kaya napabuntong hininga ako. Napakasensitive na topic nun para sakin pero magaan ang loob ko sa kanya kaya napili kong magopen up.
"Yan din ang tanong ko. Nakakainggit nga eh. Pinapangarap ko na sana kahit parehas na lang sayo o kaya kahit maging witch na lang ako pero wala. Ni hindi ko nga alam kung pano magcast ng spell kaya ayun nganga."nanatili kaming tahimik habang ako ay napasimangot dahil sa panghihinayang.
"Wag kang sumimangot. Papangit ka nyan."sabi nya kaya napatigil ako sa paglakad at nakasimangot na tiningnan sya pero lumapit lang sya at inayos ang mukha ko para ngumiti. Aba't.
"Yan mas gusto ko yung ganyan. Tsaka wag ka nang malungkot hayaan mo tutulungan kitang alamin yan. Hindi pwedeng wala kang kapangyarihan, siguro hindi ka pa talaga handa."sabi nya kaya kahit papaano ay namotivate ako.
Napakakulit naman pala talaga ng lahi nitong lalaking to. Tsk.
"Mamaya sabay tayo sa dinner ha? Yayain ko si Calix." paalala nya nang nakarating na kami tapat ng classroom.
"Okay. Sige na umalis ka na at baka malate ka na. Thank you sa paghatid."nakangiting sabi ko at nakangiting tumango naman sya. Sumaludo pa bago tumakbo paalis.Parang nilipad nga lang sya ng hangin sa sobrang bilis nya.
Huminga muna ako ng malalim bago pumasok sa loob at nagulat ako sa nadatnan ko. Akala ko marami pero nasa 15 lang kami dala na ako. Konti lang pala kami dito.
Unti-unting napatingin sakin ang lahat at napakaawkward. Nagtaka rin ako dahil mukhang ako lang ang freshies. Lahat sila black ang hemline at may iba ding same color sa cloak nila.
Nakatungong pumasok ako sa loob lalo na nang makita ko ang President, at kapatid ni Pollux ,Pisces. Kung anong kinabait ng kapatid nya eh ganun naman kasama ang ugali ng president na yun.
Nabuhayan ako nang makitang nakaupo malapit sa bintana si Valoria kaya tumabi ako sa kanya, buti na lang andito sya. Napansin kong nakalingon sakin yung isa pang lalaki, at nakangiti sya. Pilit kong inaalala kung sino yun at nanlaki ang mata ko nang makilala kung sino yun. Si Calix pala ang bestfriend ni Pollux.
Nabalik ang tingin ko kay Valoria nang lumingon sya sakin na nagtataka pero nginitian ko lang sya at nakatanggap naman ako ng malamig na irap.
Umayos lang ako ng upo nang pumasok ang hindi katandaang lalaki. Sya na yata ang teacher namin.
"Okay. I'm Jay Pacio and I will be your teacher for this subject and I assume that all of you here has elemental powers. So let's skip the introduction part because I already know all of you. Halos lahat sa inyo dito ay gagraduate na so..."
"May freshie pong namix samin sir."pagtawag pansin nung isa kaya kinabahan ako at nagdasal na sana hindi nya na lang sinabi yun, tsk. Mukhang mapapasubo pa ako nito.
"Oh I see okay young miss kindly introduce yourself."kinakabahang tumayo ako para magpaliwanag.
"E-everyone. I-I'm Iliana Creed. Nice to meet all of you."yun lang at di ko na pinatagal pa. Pero mukhang di sya satisfied sa ginawa ko.
"Okay nice to meet you Ms. Creed. Care to tell or demonstrate your elemental attribute?"parang lalabas na ang puso ko dahil sa sobrang kaba. Shit. Ito na ang kinakatakot ko. W-wala ako nun.
Nanatiling tahimik ang lahat at hinihintay na sumagot ako. May ibang nanunuyang tumingin sakin na para bang alam nila kung ano ang totoo at nangaasar sila.
"I.. I... I uhm.. I-I...I don--"natigil ako sa pagsasalita nang biglang bumukas ang pinto at niluwa nun ang lalaking hinihingal at mukhang kakagaling pa sa malayong lugar.
Nakayuko na sya agad sa teacher naming masama ang tingin sa kanya.
"You're late Mr. Griffins! What the hell do you think you're doing?!"galit na tanong ng teacher namin. May right syang magalit dahil first day ng meeting late pa sya.
"Sorry po Sir Pacio. Sorry sorry po sir!"nakarinig ako ng mahihinang tawanan mula sa unahan at sa unang kita pa lang parang sya ang madalas na target ng bullying. Nanlaki pa ang mata ko nang makitang tila umapoy yung kaliwang part ng cloak nya. Pero mukhang naramdaman nya yun kaya pinagpag nya agad kaya nawala, at ni hindi man lang namantsahan ang cloak nya, ang cool naman.Wait kung ganon fire manipulator sya?
"As always, palaging nalalate ang mga stupid na katulad mo."kumunot ang noo ko nang magsalita yung nasa harapan na si Pisces. Napakasama naman ng ugali netong supladong to!
"Makastupid ka naman. Parang ang tali-talino mo."bulong ko at hindi ko inaasahang maririnig nya yun dahil kunot noo nya akong nilingon at binigyan ng matatalim na tingin.
"Saying something?"tanong nya kaya inirapan ko sya at tinignan ulit yung lalaki na nakatingin na pala sakin. Sandali akong kinabahan sa di malamang dahilan. A-ang g-gwapo nya sana kaso parang tatanga tanga.
"Tsk. Gagraduate ka na't lahat Griffins di ka pa rin nagbabago!" sigaw nung teacher kaya napayuko ulit sya.
"Okay go to your seat at makinig ka! Ms. Creed you may now sit down." nakahinga ako ng maluwag dahil kung di pala sya dumating eh di nasalang pa ako sa hot seat.
Tiningnan ko yung Griffins at nakitang naghahanap sya ng bakante. Parang gusto nya sana umupo sa harapan pero parang bigla na lang naging okupado lahat ng upuan kaya napatingin sya sakin nang makarating sya sa hilera namin. Napataas ang kilay ko dahil nakatingin lang sya sakin.
"U-uhm may nakaupo ba dito?"tanong nya kaya umiling ako at ngumiti naman sya. Umupo sya sa tabi ko at napalunok ako dahil hindi ko maiwasang hindi mapatingin sa kanya.
Kinuha nya ang eyeglass na suot at pinunasan bago sinuot ulit. Maya maya pa ay nagtatakang tumingin sya sakin kaya nanlaki ang mata ko at natatarantang umiwas ng tingin. Mamaya pala feeler pa to, akala nya may crush ako pero wala nu.
"Okay, as I was saying.You will have a partner na magiging support nyo sa pagenhance at pagpractice ng abilities nyo. So here bago pa man ako pumasok ay nakaassign na ako. So here as I call your name, sit beside your partners."sabi nya at nagsimula na syang magtawag ng pangalan.
"Uhm. Hi. Ako nga pala si Apollo."pagpapakilala ng katabi ko kaya nagtatakang nilingon ko sya. Nakangiti lang sya at hindi nya ba alam na mas lalo syang gwapo tingnan sa ganyan- What the fuck Iana! Itigil mo yang iniisip mo!