Day 31 & 32

144 2 0
                                    

Day 31

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ngunit muling lumalakas at sumisigla ang nagtitiwala kay Yahweh. Lilipad silang tulad ng mga agila. Sila'y tatakbo ngunit hindi mapapagod, sila'y lalakad ngunit hindi manghihina.

Isaias 40:31 MBB05






English:

but those who hope in the Lord
will renew their strength.They will soar on wings like eagles;they will run and not grow weary,they will walk and not be faint.


Isaiah 40:31 NIV





          Kapag tayo ay nasa panahon ng pagsubok o mga pinagdadaanan sa buhay ngunit ating inilalagak ang ating pagtitiwala sa ating Panginoon ☝tayo ay parang mga agila. Magkakaroon tayo ng kalakasan at hindi Niya ☝tayo hahayaang mapagod at manghina. Kaya sa lahat ng panahon o sitwasyon ng ating buhay palagi nating ilagak sa Panginoon☝ ang ating pagtitiwala sa Kanya. 

#GodBlessUs 😇❤
#day31 ❤
#toGodbetheGory

==============================


Day 32

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Mapalad ang isang taong nakasumpong ng karunungan, at ang taong nagsisikap, unawa ay nagtatamo. Higit pa sa pilak ang pakinabang dito, at higit sa gintong lantay ang tubo nito. Sa alinmang alahas ay higit ang karunungan, at walang kayamanang dito ay maipapantay. Mahabang buhay ang dulot ng kaalaman, may taglay na kayamanan at may bungang karangalan.

Kawikaan 3:13‭-‬16 MBB05





English:

 Blessed are those who find wisdom,
those who gain understanding,
for she is more profitable than silver
and yields better returns than gold.
She is more precious than rubies;
nothing you desire can compare with her.
Long life is in her right hand;
in her left hand are riches and honor.

Proverbs 3: 13-16 NIV






        Sikapin natin na makasumpong tayo ng karunungan at kaunawaan dahil malinaw na sinasabi dito sa kasulatang ito na mapalad ang taong may karunungan. Dahil ang karunungan ay hindi kayang ikumpara sa mamahaling alahas o pilak man. Magiging matiwasay ang pamumuhay ng taong may karunungan. Kaya ating pagkayamanin at pagkaingatan ang karunungan at kaunawaan na ipinagkakaloob ng Diyos☝ sa atin. 

#GodBlessUs 😇❤
#day32 ❤
#toGodbetheGlory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon