Day 355
Tagalog:
O langit, magpuri ka sa tuwa! Lupa, magalak ka, gayundin kayong mga bundok, sapagkat inaaliw ni Yahweh ang kanyang hinirang, sa gitna ng hirap ay kinahahabagan.
Isaias 49:13 MBB05
English:
Shout for joy, you heavens; rejoice, you earth; burst into song, you mountains! For the Lord comforts his people and will have compassion on his afflicted ones.
Isaiah 49:13 NIV
***
Magalak tayong lagi sapagkat ang Diyos ay kasakasama natin sa lahat ng oras. Tayo ay Kanyang mga pinili at kinilala bilang mga anak Niya. Sa panahon ng kahirapan makakaasa tayong ang habag at awa Niya ay laging sasa atin. Kanya tayong aaliwin at ang pag-ingat ay Kanyang ipagkakaloob sa bawat isa sa atin.
#GodBlessUs 😇❤#day355 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe
====================================
Day 356
Tagalog:
Tayong lahat ay tulad ng mga tupang naliligaw; nagkanya-kanya tayo ng lakad. Ngunit ipinataw ni Yahweh sa kanya ang kaparusahang tayo ang dapat tumanggap.
Isaias 53:6 MBB05
English:
We all, like sheep, have gone astray, each of us has turned to our own way, and the Lord has laid on him the iniquity of us all.
Isaiah 53:6 NIV
***
Ang Panginoong Hesu Kristo ang tumanggap ng kaparusahan ng ating mga kasalanan na tayo ang dapat na tumanggap. Tayong lahat ay nangangailangan ng kaligtasan sapagkat lahat tayo ay nagkasala. Siya ang ating pastol at tayo ang Kanyang mga tupang pinapastol.
Sa kabila ng lahat ng ating mga katigasan ng ulo at pagkanya-kanya ay napakabuti at mapagmahal ng ating Panginoon. Binibigyan Niya tayo ng pagkakataon upang kilalanin Siya at tanggapin sa ating buhay. Upang ang sinumang tumanggap sa Kanya ay maligtas at hindi mapapahamak kailanman.
#GodBlessUs 😇❤#day356 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...