Day 339 & 340

32 0 0
                                    

Day 339 

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Halikayo't kilalanin natin si Yahweh, sikapin nating siya'y makilala. Kasintiyak ng pagdating ng bukang-liwayway, darating siyang walang pagsala, tulad ng patak ng ulan sa panahon ng taglamig, tulad ng tubig-ulan na nagpapasibol sa mga halaman." 

Hosea 6:3 MBB05 



English:

Let us acknowledge the Lord; let us press on to acknowledge him. As surely as the sun rises, he will appear; he will come to us like the winter rains, like the spring rains that water the earth."

Hosea 6:3 NIV


****

 Kilalanin natin ang ating Panginoon bilang isang Diyos na makapangyarihan sa lahat. Sundin natin ang Kanyang mga utos at magkaroon ng takot sa ating Panginoon. Atin Siyang masusumpungan hindi lamang sa panahon na atin Siyang kailangan kundi maging sa lahat ng pagkakataon. 

 Sapagkat ang pagpapala Niya sa atin ay katulad ng pagbuhos ng ulan at pagdilig nito sa lupa. Mga pagpapala Niya sa atin ay ating masusumpungan. Kaya't sa lahat ng pagkakataon atin Siyang kilalanin sa ating buhay, hindi lamang sa panahon ng ating mga pangangailangan kundi maging sa lahat ng pagkakaton ng ating buhay. . 

 #GodBlessUs 😇❤#day339 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

======================================

Day 340

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Kung paanong ang katawan ay binubuo ng maraming bahagi, at magkakaiba ng gawain ang bawat isa, gayundin naman, kahit na tayo'y marami, nabubuo tayo sa iisang katawan ni Cristo, at tayong lahat ay bahagi ng isa't isa. 

Mga Taga-Roma 12:4‭-‬5 MBB05 


English:

4 For just as each of us has one body with many members, and these members do not all have the same function, 5 so in Christ we, though many, form one body, and each member belongs to all the others.

Romans 12:4-5 NIV


***

 Sinasabi dito kung paano nabubuhay ang sakripsyo sa buhay. Sapagkat tayo ay isang bahagi ng katawan ni Cristo at bahagi ng isa't-isa. Iba't-iba man ang mga gawain at kakayahan. Kaya't ating ihandog ang ating sarili sa Kanya.

 May mga kaloob sa atin na regalo upang gamitin natin sa ikaluluwalhati ng Diyos. Ang kaloob na ito sa atin ng Diyos ay nagbibigay sa atin ng kakayahan upang mapaglingkuran din natin ang bawat isa.Nawa gamitin natin ang kaloob na ito sa atin ng Diyos upang maparangalan at maluwalhati natin Siya.

 #GodBlessUs 😇❤#day340 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon