Day 61
Tagalog:
Tanging sa iyo lamang, Yahweh, ang dakilang karangalan, hindi namin maaangkin, pagkat ito'y iyo lamang; walang kupas iyong pag-ibig, natatanging katapatan.
Mga Awit 115:1 MBB05
English:
Not to us, Lord, not to us
but to your name be the glory,
because of your love and faithfulness.Psalms 115:1 NIV
Purihin ka po Panginoon sa panibagong araw na inyong pinagkaloob sa bawat isa sa amin. Ang pag-ibig mong tunay ay hindi nagmamaliw. Ikaw lamang Panginoon ang nararapat naming dakilain at sambahin, walang makahihigit sa iyo Panginoon.
#GodBlessUs 😇❤
#day61 ❤
#toGodbetheGlory==============================
Day 62
Tagalog:
Ang Anak ng Tao ay naparito upang hanapin at iligtas ang naligaw."
Lucas 19:10 MBB05
English:
For the Son of Man came to seek and to save the lost."
Luke 19:10 NIV
Ang Panginoong Jesus ay naparito sa sanlibutan hindi para sa mga mabubuti kundi para sa mga naliligaw ng landas upang Kanyang ituwid. Kung bibigyan natin ng pagkakataon ang Panginoong Jesus na pumasok sa ating puso mararanasan natin ang pag-ibig, kapayapaan at pag-asa na magmumula sa Kanya.
#GodBlessUs 😇❤
#day62 ❤
#toGodbetheGlory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...