Day 247 & 248

45 1 0
                                    

Day 247

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ako ang Diyos at mananatili akong Diyos magpakailanman, walang makakatakas sa aking kapangyarihan; at walang makakahadlang sa aking ginagawa."Isaias 43:13 MBB05


English:

Yes, and from ancient days I am he.
No one can deliver out of my hand.
When I act, who can reverse it?"

Isaiah 43:13 NIV



***

Tunay ngang hindi natin matatarok ang kaisipan at kaunawaan ng ating Panginoong Diyos. Dahil sa simula't simula pa ang Diyos ay Diyos na. Siya ang simula at Siya rin ang wakas.


Hindi kailanman matatakasan ang Kanyang kapangyarihan at lahat ng mga kalooban Niyang gustong mangyari. Kaya't tayo'y laging magpasakop at sumunod sa Kanyang kalooban.


Sapagkat ang Panginoong Diyos ay maawain, maunawain, mapagpatawad at mapagmahal, lubos Niyang kalulugdan at pagpapalain ang mga taong sumusunod at nagpapasakop sa Kanyang kalooban.


#GodBlessUs 😇❤#day247 ❤#toGodbetheglory



====================================


Day 248

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Nasa atin ang Diyos na Makapangyarihan, ang Diyos ni Jacob na ating kanlungan. (Selah)Mga Awit 46:7 MBB05


English:

The Lord Almighty is with us;
the God of Jacob is our fortress.

Psalms 46:7 NIV


***

Tayo ay makakaasa na ang ating Panginoong Diyos ay nasa atin. Siya ang ating mainam na kanlungan. Sa lahat ng ating lakbayin, Siya ay laging nasa sa atin.


Siya ay tunay ngang makapangyarihan sa lahat. Mga ginawa Niya ay tunay ngang kahanga-hanga. Kaya't 'wag tayong mag-alinlangan sa Kanya at tayo'y sa Kanya lamang magtiwala.


#GodBlessUs 😇❤#day248 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon