Day 319
Tagalog:
Iniligtas niya tayo sa kapangyarihan ng kadiliman at inilipat sa kaharian ng kanyang minamahal na Anak, na nagpalaya at nagdulot sa atin ng kapatawaran sa ating mga kasalanan.
Mga Taga-Colosas 1:13-14 MBB05
English:
13 For he has rescued us from the dominion of darkness and brought us into the kingdom of the Son he loves, 14 in whom we have redemption, the forgiveness of sins.
Colossians 1:13-14 NIV
***
Napakabuti ng ating Panginoong Diyos sapagkat tayo'y Kanyang lubos na minamahal. Magkasala man tayo sa Kanyang paningin ay patuloy Niya pa rin tayong pinapatawad. Dahil sa pagmamahal Niyang ito ay ipinagkaloob Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus upang ang bawat isa sa atin na mga makasalanan ay Kanyang mapatawad mula sa mga kasalanan at kadiliman ng ating buhay.
Ito ang tanging solusyon ng Diyos upang tayo ay mapatawad sa lahat ng ating mga kasalanan. Sa pamamagitan ng ating Panginoong Hesus tayo ay mga naligtas at napatawad sa ating mga kasalanan. Kaya't marapat lamang na ating tanggapin at kilalanin ang ating Panginoong Hesus bilang Diyos at tagapagligtas.
#GodBlessUs 😇❤#day319 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe
===========================================
Day 320
Tagalog:
Sa kinaumagahan, O Yahweh, tinig ko'y iyong dinggin, at sa pagsikat ng araw, tugon mo'y hihintayin.
Mga Awit 5:3 MBB05
English:
In the morning, Lord, you hear my voice; in the morning I lay my requests before you and wait expectantly.
Psalms 5:3 NIV
***
Huwag tayong maghinawa sa mga panalangin at daing natin sa ating Panginoon sapagkat Siya ay laging nakikinig sa atin. Nalalaman Niya ang ating mga pinagdadaanan. Ang habag at awa Niya ay laging sasa-atin.
Kanyang diringgin ang lahat ng ating mga hiling at dasal kung ito ay buong puso nating hinihiling sa Kanya na may kasamang pagtitiwala. Sapagkat ang pagtugon Niya ay parang isang bagong umaga na puno ng bagong pag-asa.
#GodBlessUs 😇❤#day320 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
EspiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...