Day 299
Tagalog:
Ang bigay mong mga utos, ang pamanang walang hanggan, sa puso ko'y palagi nang ang dulot ay kagalakan.
Mga Awit 119:111 MBB05
English:
Your statutes are my heritage forever; they are the joy of my heart.
Psalm 119:111 NIV
****
Kung ating isa sa isip at puso ang mga aral at turo ng Diyos sa bawat isa sa atin tunay ngang ang kagalakan ay ating mararanasan. Sapagkat ang relasyon natin sa Diyos ay patuloy na magiging matibay at matatag.
Ito ay napakagandang pamana na maipapasa natin hanggang sa mga susunod na henerasyon. Pamanang dulot sa ati'y pawang kabutihan. Ito ay nagsisilbing gabay natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay.
#GodBlessUs 😇❤#day299 ❤#toGodbetheglory
=========================================
Day 300
Tagalog:
Kahit hampas nitong bagyo ay dumating nang biglaan, hindi ka mababagabag tulad ng mga mangmang. Pagkat tiwala kang si Yahweh ang kaagapay mo, at di niya hahayaang sa bitag ika'y masilo.
Mga Kawikaan 3:25-26 MBB05
English:
25 Have no fear of sudden disaster or of the ruin that overtakes the wicked, 26 for the Lord will be at your side and will keep your foot from being snared.Proverbs 3:25-26 NIV
Kaagapay natin ang Diyos sa lahat ng oras, anuman ang sitwasyon na dumating sa ating buhay. Tayo'y Kanyang iingatan at gagabayan, hindi Niya hahayaan na tayo'y mapahamak.
Atin lamang itong panghawakan at ipagkatiwala sa ating Panginoong Diyos at ito'y hindi Niya sa atin ipagkakait. Tayo'y po-proteksyunana Niya sa lahat ng oras.
#GodBlessUs 😇❤#day300 ❤#toGodbetheglory#KeepUsSafeAlways😇❤🙏
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...