Day 239
Tagalog:
Para sa akin, ang mga pagtitiis natin sa kasalukuyan ay hindi maihahambing sa kaluwalhatiang mahahayag sa atin balang araw.
Mga Taga-Roma 8:18 MBB05
English:
I consider that our present sufferings are not worth comparing with the glory that will be revealed in us.
Romans 8:18 NIV
Lahat tayo may kanya kanyang pasanin sa buhay. Iba't-ibang pagsubok o pinagdadaanan sa buhay. Ngunit ang lahat ng ito ay may hangganan, nawa sa hangganan na yun ay ating malapasan ng buong pagtitiyaga.
Magdanas man tayo ng kahirapan sa mundong ito at batuhin man tayo ng iba't-ibang pagsubok ay wag tayong panghinaan ng ating kalooban sapagkat ang lahat ng ito ay may hangganan.
Sapagkat hindi natin kayang ihambing ang kaluwalhatian na mahahayag balang araw. Tayong mga anak ng Diyos ay gagantimpalaan sa ating pagtitiyaga at pagtitis sa lahat ng hirap na dinadanas natin sa mundong ito.Tayo ay gagantimpalaan din sa pagiging tapat, pagsunod sa Kanyang utos at pagkapit natin upang panghawakan ang mga pangako ng ating Panginoon.
#GodBlessUs 😇❤
#day239 ❤
#toGodbetheglory===============================
Day 240
Tagalog:
"Si Yahweh ang inyong batong tanggulan, mga gawa niya'y walang kapintasan, mga pasya niya'y pawang makatarungan; siya'y Diyos na tapat at makatuwiran.
Deuteronomio 32:4 MBB05English:
He is the Rock, his works are perfect, and all his ways are just. A faithful God who does no wrong, upright and just is he.
Deuteronomy 32:4 NIV***
Kailangan nating bumaling kay Jesus. Siya ang ating Bato, ang ating Katatagan: hindi natitinag at hindi nayayanig. Tayo ay inaanyayahang iayon ang ating mga buhay sa Kanya-hindi lamang sa Kanya bilang pamantungan kundi sa Kanya mismo-bilang ating matibay na pundasyon. Siya lamang ang mapagtitiwalaang mapagtatayuan sa isang mundong nagkalat ang graba.
Kapag ginawa natin ito, ginagawa Niya tayong matibay, katulad Niya. Siya ang batong-panulukan, ngunit tayo rin ay mga batong buháy, kabahagi Niya sa isang espirituwal na tahanang nagsisilbing masisilungan at kanlungan para sa lahat ng nayayanig sa ating pabago-bagong mundo.
Ito ay bahagi ng ating pagkakatawag bilang mga Cristiano-manindigan nang matibay sa katotohanan, hindi lamang para sa ating ikabubuti, kundi para sa ikabubuti rin ng mga taong naghahanap ng mapagtatayuan ng kanilang mga buhay.
Explain by:
- Lisa Bevere***
Ang Panginoong Hesus ang bato ng ating buhay. Sa Kanya natin masusumpungan ang katatagan na hindi matitinag ni mayanig man dahil Siya ang matibay nating pundasyon.
#GodBlessUs 😇❤
#day240 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualeBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...