Day 365 & 366

113 1 4
                                    

Day 365

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Kaya nga, dahil kayo'y hinirang ng Diyos, minamahal niya at pinili para sa kanya, dapat kayong maging mahabagin, mabait, mapagpakumbabá, mahinahon, at mapagtiis. 

Mga Taga-Colosas 3:12 MBB05 


English:

Therefore, as God's chosen people, holy and dearly loved, clothe yourselves with compassion, kindness, humility, gentleness and patience.

Colossians 3:12 NIV



***

 Mamayani nawa sa ating pagkatao ang mga katangiang naayon, ayon sa pagiging hinirang sa atin ng Diyos. Makita nawa ito sa ating mga pamumuhay bilang mga anak ng Diyos. Upang maging halimbawa sa mga hindi pa nakakakilala sa ating Panginoon.

Ito ang mga positibong pag-uugali na nawa ay maghari sa ating buhay katulad ng halimbawa ng pamumuhay ng ating Panginoong Hesus ng Siya ay naparito upang tayo ay maligtas. 

#GodBlessUs 😇❤#day365 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

===============================

Day 366

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Iniangkop niya ang lahat ng bagay sa tamang kapanahunan. Ang tao'y binigyan niya ng pagnanasang alamin ang bukas ngunit hindi binigyan ng pagkaunawa sa ginawa ng Diyos mula sa pasimula hanggang sa wakas. 

Ang Mangangaral 3:11 MBB05 



English:

He has made everything beautiful in its time. He has also set eternity in the human heart; yet[] no one can fathom what God has done from beginning to end.

Ecclesiastes 3:11 NIV



***

Ang lahat ng mga bagay o pangyayari ay nangyayari ayon sa kalooban ng ating Panginoon. Ang mga nararanasan at naranasan natin ngayong taon ay ayon sa Kanyang kalooban. Hindi man natin natitiyak o nauunawan ang mga gusto ng ating Panginoon na iparating sa ating buhay ngunit aking natitiyak na ito ay ayon sa ating ikatitibay at ikatatatag ng ating pananampalataya sa Kanya.


Natapos man ang taon na ito na puno ng iba't-ibang uri ng pagsubok o pangyayaring hindi natin mga inaasahan na dumating sa ating buhay makakatiyak tayong hindi Niya tayo pababayaan sa mga darating din na panahon. Ang pag-asa ay ating masusumpungan kung ating ipagkakatiwala ang lahat sa ating Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat.


 #GodBlessUs 😇❤#day366 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

 #HappyNewYear#endOfTheYear2020#thankyouLord 🙌



****

Maraming salamat po sa mga nagbasa ng 2020 Daily Bible Verses, hanggad ko po na nawa ang bawat isa sa atin ay mas naging matibay ang pananampalataya sa ating Panaginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat. 

Marami man tayong mga pinagdaanang pagsubok sa buhay, maging personal o pang-buong mundo nawa ay hindi ito maging hadlang upang tayo ay maging isang matibay at matatag sa pananampalataya sa ating Panginoon.

Atin po nawang isa isip at isa puso na mahal tayo ng Diyos at Siya ay nagmamalasakit sa bawat isa sa atin. Ang lahat ng mga nangyayari sa atin o maging sa pinagdadaanan ng buong mundo ay ayon sa Kanyang kalooban at upang maging matibay at matatag tayo. 

Atin nawang ipagkatiwala ang lahat sa ating Panginoon at hayaan Siya ang maghari sa ating buhay. Sapagkat kahit kailan ay hindi Niya tayo pababayaan ni pagkulangin man

Siya ang dakila at makapangyarihan sa lahat, walang hindi Siya kayang gawin para sa buhay ng bawat isa sa atin.

Atin lamang Siya tanggapin at kilalanin sa ating buhay at ating masusumpungan ang kapayapaan, pag-iingat, pag-asa at pamamahal Niya sa ating buhay.

Muli maraming salamat po,

Nawa ang pagpapala at pag-iingat ng ating Diyos na makapangyarihan sa lahat ang Siyang sumaatin


MajecThoughts ⭐

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon