Day 147
Tagalog:
Si Yahweh ay napakabuti; matibay na kanlungan sa panahon ng kaguluhan. Mga nananalig sa kanya'y kanyang inaalagaan.Nahum 1:7 MBB05
English:
The Lord is good,
a refuge in times of trouble.
He cares for those who trust in him,Nahum 1:7 NIV
***
Tunay ngang napakabuti ng ating Panginoon, Siya ang matibay na makukublian sa mga panahon ng kaguluhan ng ating mga buhay. Lalo pa sa panahon ngayon na halos wala na tayong katiyakan ng kaligtasan sa ating kalusugan, kaya't marapat lamang na magtiwala at manalig lamang tayo sa ating Panginoon. Sapagkat Siya ay mabuti at kailanman ay hindi Niya tayo pinababayaan.
#GodBlessUs 😇❤#day147 ❤#toGodbetheglory
==============================================
Day 148
Tagalog:
Nasa piling mo si Yahweh na iyong Diyos, at ang kanyang kapangyarihan ang magbibigay sa iyo ng tagumpay. Siya ay magagalak sa iyo at ang pag-ibig niya ang magbibigay sa iyo ng bagong buhay. Masaya siyang aawit sa laki ng kagalakan,Zefanias 3:17 MBB05
English:
The Lord your God is with you,
the Mighty Warrior who saves.
He will take great delight in you;
in his love he will no longer rebuke you,
but will rejoice over you with singing."Zephaniah 3:17 NIV
***
Sa lahat ng oras at pagkakataon kasama natin ang ating Panginoon. Sasamahan Niya tayo at gagabayan hanggang sa makamit natin ang ating tagumpay. Ang pag-ibig niya ang siyang magbibigay at magbabago sa ating buhay sapagkat kasiyahan at kagalakan sa ating Panginoon ang ating tagumpay.
#GodBlessUs 😇❤#day148 ❤#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...