Tagalog:
Salita mo'y isang tanglaw na sa akin ay patnubay, sa landas kong daraanan, liwanag na tumatanglaw.
Mga Awit 119:105 MBB05
English:
Your word is a lamp for my feet,
a light on my path.Psalm 119:105 NIV
***
Tunay ngang ang salita ng Diyos ang mainam nating tanglaw. Ito ang patnubay natin sa pang-araw-araw na pamumuhay. Sa pamamagitan ng Kanyang mayayamang salita na nangungusap sa atin.
Itinutuwid Niya tayo kung sakaling naliligaw tayo ng landas. At sa mga madilim na yugto ng ating buhay Siya ang liwanag na tumatanglaw. Tayo'y may kapanatagan at kapayapaan kapag tayo ay nagpasakop sa Kanyang kalooban.
#GodBlessUs 😇❤
#day245 ❤
#toGodbetheglory===============================
Day 246
Tagalog:
Si Yahweh ay papurihan, O aking kaluluwa, at huwag mong kaliligtaan, mabubuti niyang gawa.
Mga Awit 103:2 MBB05English:
Praise the Lord , my soul, and forget not all his benefits—
Psalms 103:2 NIV***
Parati nating papurihan ang Panginoon sapagkat Siya ay napakadakila. Lahat ng kabutihan ay ginawa Niya para sa atin.
Huwag sana nating kaligtaan ang lahat ng Kanyang ginawa sa atin. Nawa wag lang sa panahong matagumpay tayo o masaya, nawa ay maging sa panahon ng ating kalungkutan o pagaubok na dinadaanan.
Sapagkat anumang sitwasyon ng ating buhay ang Diyos ay napakabuti sa bawat isa sa atin. Siya ay laging nakaalalay at nagmamalasakit sa bawat isa sa atin.
#GodBlessUs 😇❤
#day246 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
EspiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...