Day 313 & 314

36 1 0
                                    

Day 313

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Kumanta ng bagong awit at kay Yahweh ay ialay, pagkat mga ginawa niya ay kahanga-hangang tunay! Sa sariling lakas niya at kabanalan niyang taglay, walang hirap na natamo itong hangad na tagumpay. 

Mga Awit 98:1 MBB05


English:

Sing to the Lord a new song, for he has done marvelous things; his right hand and his holy arm have worked salvation for him.

Psalm 98:1 NIV



****

Panibagong linggo ang pinagkaloob Niya sa bawat isa sa atin at ang mga pagkilos Niya sa buhay natin ay tunay ngang kahanga-hangang tunay. Dumaan man tayo sa panibagong mga pagsubok sa buhay ngunit patuloy Niyang ipinapakita sa ating buhay ang pagmamahal, pagkalinga at pagkilos Niya sa buhay ng bawat isa sa atin.

Ang lahat ng mga ito ay pagsubok lang upang makamtan natin ang tagumpay sa ating mga buhay. Kaya't magpatuloy tayo sa pagtitiwala sa Kanya at ating makakamtan ang katagumpayan mula sa Kanya.

 #GodBlessUs 😇❤#day313 ❤#toGodbetheglory

=============================================


Day 314

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Nalalaman nating tayo'y iniibig ng Diyos at lubos tayong nananalig sa katotohanang ito. Ang Diyos ay pag-ibig. Ang nagpapatuloy na umiibig ay nananatili sa Diyos, at ang Diyos ay nananatili naman sa kanya. 

1 Juan 4:16 MBB05 




English:

And so we know and rely on the love God has for us. God is love. Whoever lives in love lives in God, and God in them.

1 John 4:16 NIV


***

Minamahal tayo ng Diyos. Pagmamahal Niya sa bawat isa sa atin ay walang kapantay. Siya'y lagi nating kasama sa lahat ng oras. Nalalaman natin ito sapagkat tayo ay nananalig at nagtitiwala sa Kanya. 

 Iwanan man tayo ng lahat ngunit ang ating Diyos na makapangyarihan, kailanman ay hinding hindi Niya tayo iiwan ni pinabayaan man. Magtiwala lamang tayo sa Kanya ng buong puso at ang pagkilos Niya sa ating buhay ay ating makakamtan. 

#GodBlessUs 😇❤#day314 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon