Day 311
Tagalog:
May daang matuwid sa tingin ng tao, ngunit kamatayan ang dulo nito.
Mga Kawikaan 16:25 MBB05 \
English:
There is a way that appears to be right,
but in the end it leads to death.
Proverbs 16:25
***
May pag-akala tayong mga tao na ang daang ating mga tinatatahak ay pawang sa makabubuti at nakakapagpaligaya sa atin. Sa ating pananaw ito ang daan tungo sa ating mga pangarap, matiwasay at maayos na pamumuhay. Di natin naalintana kung ang daan na ating tinatahak ay tungo sa daang matuwid sapagkat tayo ay nakatuon sa mga nakikita ng ating mga mata.
Ngunit higit na mas mainam kung ang daan na ating tinatahak ay daan na kasama ang ating Diyos. Sapagkat kung Siya ng ating kasama at gabay kailanman ay hindi tayo maliligaw o mapapahamak.
Sapagkat ang nanangan sa sariling kaunawan ay magdudulot ng kapahamakan sa kanyang sarili ngunit ang taong namumuhay na kasama ang Diyos kailanman ay hindi Niya pababayaan ni mapahamak man.
#GodBlessUs 😇❤#day311 ❤#toGodbetheglory
==========================================
Day 312
Tagalog:
Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.
Mga Taga-Efeso 3:12 MBB05
English:
In him and through faith in him we may approach God with freedom and confidence.
Ephesians 3:12 NIV
***
Walang pag-aalinlangan kung buong puso tayong mananangan sa ating Diyos. Ang pakikipag-isa at pananalig natin ang Siyang maglalapit sa atin para sa Kanya.
Sa bawat pagdaing, paghiling o paglapit natin sa Kanya ay makakaasa tayong, tayo'y may kapanatagan o kapayapaan at pagtitiwala ng buong puso sa Kanya. Tayo'y hindi makakaranas ng alinlangan sa Kanya sapagkat atin ng inilagak ang ating mga sarili upang sa Kanya ay makipag-isa.
#GodBlessUs 😇❤#day312 ❤#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...