Day 243
Tagalog:
Magpasalamat tayo sa Diyos, sapagkat tayo'y binibigyan niya ng tagumpay sa pamamagitan ng ating Panginoong Jesu-Cristo!
1 Mga Taga-Corinto 15:57 MBB05
English:
But thanks be to God! He gives us the victory through our Lord Jesus Christ.
1 Corinthians 15:57 NIV
***
Ugaliin natin ang magpasalamat palagi sa ating Panginoon sapagkat anuman ang pinagdadaanan natin sa buhay, sa kabiguan man, kalungkutan o maging sa kasihayan. Ang Panginoong Diyos ang nagbibigay ng katagumpayan para sa lahat ng ito.
Sa pamamagitan ng Panginoong Hesus, Siya ang naging daan upang mapagtagumpayan natin ang mga pagsubok ng makasalanang mundong ito.
Kaya't tayo'y magpakatatag at 'wag magpatinag at sa Diyos ay patuloy na magtiwala. Buong pusong maglingkod sa Kanya hanggang wakas sapagkat hindi kailanman masasayang ang paghihirap natin sa para Kanya.#GodBlessUs 😇❤
#day243 ❤
#toGodbetheglory=============≠================
Day 244
Tagalog:
Ngunit magpakatatag kayo at huwag masiraan ng loob. Gagantimpalaan kayo dahil sa inyong mga ginagawa.”
2 Mga Cronica 15:7 MBB05English:
But as for you, be strong and do not give up, for your work will be rewarded.”
2 Chronicles 15:7 NIV
***
Nahihirapan man tayo ngayon dahil sa iba't-ibang klaseng pagsubok ng mundong ito o maging personal nating pamumuhay ay huwag tayong panghinaan ng kalooban.
Sapagkat laging nakabantay ang ating Panginoon. Batid niya ang lahat ng ating mga pinagdadaanan sa buhay. Kaya't patuloy tayong magtiwala sa Kanya at sumunod sa mga utos Niya at tayo'y Kanyang gagantimpalaan sa lahat ng mga ginawa natin.
#GodBlessUs 😇❤
#day244 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...