Day 277 & 278

54 1 0
                                    

Day 277

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ito ang kahulugan ng pag-ibig na binabanggit ko: mamuhay tayo nang ayon sa mga kalooban ng Diyos. Ito ang utos na ibinigay sa inyo noon pang una: mamuhay kayo sa diwa ng pag-ibig. 

2 Juan 1:6 MBB05 



English:

And this is love: that we walk in obedience to his commands. As you have heard from the beginning, his command is that you walk in love.

2 John 1:6 NIV



***

Mamuhay nawa tayo ayon sa kalooban ng Diyos at sa diwa ng pag-ibig. Sapagkat ang lahat ng ito ay mga katuruan na sa atin noon pa mang una. 

Igalang at sundin natin ang mga kautusan ng Diyos sapagkat lahat din naman ng mga ito ay para sa ating ikakabuti. Ito ang magiging gabay natin sa ating pang-araw-araw na pamumuhay. 

Ang pag-ibig nawa ang siyang makita sa ating mga pamumuhay sapagkat pag-ibig ang magiging katuparan ng lahat. 

 #GodBlessUs 😇❤
#day277 ❤
#toGodbetheglory

=============================

Day 278

Tagalog:

Nasasabik ang lingkod mo na sa templo ay pumasok. Ang buo kong pagkatao'y umaawit na may lugod, sa masayang pag-awit ko pinupuri'y buháy na Diyos.
Mga Awit 84:2 MBB05

English:

My soul yearns, even faints, for the courts of the Lord ; my heart and my flesh cry out for the living God.
Psalms 84:2 NIV

***

Isang panibagong linggo ang ipinagkaloob sa atin ng Diyos kaya't tayo ay magpasalamat at magpuri sa lahat ng kabutihan Niya sa bawat isa sa atin.

Buong puso tayong manabik at magalak sa pag-awit ng may papuri't pagsamba na may pasasalamat sa ating Diyos na buháy. Hindi man ang lahat makapunta sa Kanyang bahay dalanginan dulot ng pandemya ay magpatuloy pa rin tayo sa pagpupuri at paglilingkod sa Kanya, saan man tayo naroroon.

#GodBlessUs 😇❤
#day278 ❤
#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon