321 & 322

48 0 0
                                    

Day 321

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Si Yahweh ang ating Tagapag-ingat, laging nasa piling, upang magsanggalang. Di ka maaano sa init ng araw, kung gabi ay di ka sasaktan ng buwan. 

Mga Awit 121:5‭-‬6 MBB05 



English:

5 The Lord watches over you— the Lord is your shade at your right hand; 6 the sun will not harm you by day, nor the moon by night.

Psalm 121:5-6 NIV



***

Kasama natin parati ang Diyos sa lahat ng oras. Tayo'y Kanyang iniingatan at ginagabayan. Kumikilos Siya sa ating buhay di Niya tayo hahayaang masaktan o mapahamak man. Dumarating man tayo sa punto na hindi natin Siya nararamdaman na kumikilos sa ating buhay sa oras ng mga pagsubok. Atin itong iwaksi sa isipan sapagkat Siya ang tumutulong at gumagabay upang hindi tayo mapahamak. 

Mawala man ang lahat lahat ng bagay sa ating buhay, kahit kailanman nandiyan pa rin ang ating Panginoon hindi Niya tayo pinababayaan. Tutulungan Niya tayo mula sa pagkawala hanggang sa tayo ay makabangon. Kaya't buong puso natin Siyang pagkatiwalaan sa lahat ng oras. 

#GodBlessUs 😇❤#day321 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe


=====================================

Day 322

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Kapag masama ang iginanti sa mabuting ginawa, ang kapahamakan sa buhay ay di mawawala. 

Mga Kawikaan 17:13 MBB05 



English:

Evil will never leave the house of one who pays back evil for good.

Proverbs 17:13 NIV



****

Kung ang tugon ng isang tao sa kabutihang ginawa sa kanya ng kapwa ay kasamaan, kahit kailan ay kapahamakan ang magiging dulot nito sa kanya. 

Ang Diyos na Siyang nakakakita ng lahat ay hindi nalulugod sa kanyang ginagawa. Kaya't ang kaguluhan o kapahamakan ay laging sasa-kanya. Hindi siya magkakaroon ng kapayapaan sa kanyang puso't isipan. 

Kaya't hangga't maari ay kabutihan pa rin ang ating isukli sa ating kapwa. Mabuti man o masama ang ginawa nila sa'yo, hayaan natin na ang Diyos ang Siyang bahalang magbalik ng naayon sa ating ginawa para sa iyo at sa kanila. 

 #GodBlessUs 😇❤#day322 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon