Day 251
Tagalog:
Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya't ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin.
Mga Taga-Roma 8:26 MBB05
English:
In the same way, the Spirit helps us in our weakness. We do not know what we ought to pray for, but the Spirit himself intercedes for us through wordless groans.
Romans 8:26 NIV
****
Kung sa ating sarili lamang hindi tayo marunong manalangin ng tama. Ngunit ganun pa man tayo ay tinutulungan ng ating espiritu sa lahat ng ating kahinaan.Hindi man natin masasambit ang gusto nating sabihin, idaing o ipanalangin sa ating Panginoon, ang espiritu ang dumaraing para sa atin.
Ito ang nagiging gabay at namamagitan para sa mga hinirang ayon sa kalooban ng Diyos. Sapagkat natatalastas ng Diyos ang nilalaman ng ating puso.
#GodBlessUs 😇❤
#day251 ❤
#toGodbetheglory=============================
Day 252
Tagalog:Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.
Mga Hebreo 13:8 MBB05English:
Jesus Christ is the same yesterday and today and forever.
Hebrews 13:8 NIV***
Magbago man ang takbo ng mundong ito, magkaroon man ng kaguluhan, kasawian, kalungkutan o maging iba't-ibang klase ng problema o pagsubok, maging sa ating personal na buhay at dumaan man tayo sa iba't-ibang henerasyon. Kahit kailan hindi nagbabago ating Panginoong Jesu-Cristo.
Ang mga turo at aral Niya hindi rin nagbabago. Ang mga salita at aral niya ay bukal ng buhay. Tapat Siya kailanman pa man, pag-ibig Niya sa bawat isa sa atin ay hindi magbabago kailan man.
#GodBlessUs 😇❤
#day252 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
EspiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...