Day 145
Tagalog:
Ang ihandog ninyo sa Diyos ay ang inyong pasalamat; ang pangakong handog ninyo ay tuparin ninyong lahat.Mga Awit 50:14 MBB05
English:
"Sacrifice thank offerings to God,
fulfill your vows to the Most High,Psalms 50:14 NIV
***
Sa panibagong araw na patuloy na ipinagkakaloob sa bawat isa sa atin marapat lamang na tayo ay magpuri at magpasalamat sa ating Panginoong Diyos. Papurihan, dakilain at pasalamatan natin Siya ng buong puso at sikapin natin na matupad ang mga ipinangako natin sa ating Panginoon dahil lubos Niya itong kinalulugdan.
#GodBlessUs 😇❤#day145 ❤#toGodbetheglory
==========================================
Day 146
Tagalog:
Nang ako'y manganib, kay Yahweh dumaing, dininig niya ako sa aking dalangin.Mga Awit 120:1 MBB05
English:
A song of ascents.
1 I call on the Lord in my distress,
and he answers me.Psalms 120:1 NIV
***
Sa panahon na tayo ay nasa panganib o matinding pagsubok tanging sa Panginoong Diyos lamang tayo lumapit at tumawag. Sa Kanya lamang tayo magtiwala ng buong puso sapagkat ang mga imposibleng bagay ay kaya Niyang gawing posible. Kung tayo ay walang alinlangan at pagdadalawang-isip sa ating Panginoon, tiyak na makakamtan natin ang pagtugon Niya sa ating mga dalangin.
#GodBlessUs 😇❤#day146 ❤#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
EspiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...