Day 151 & 152

51 1 0
                                    

Day 151

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Masdan ninyo ang mga ibon. Hindi sila nagtatanim ni umaani man o kaya'y nagtitipon sa kamalig, ngunit pinapakain sila ng inyong Ama na nasa langit. Hindi ba't higit kayong mahalaga kaysa mga ibon?Mateo 6:26 MBB05



English:

Look at the birds of the air; they do not sow or reap or store away in barns, and yet your heavenly Father feeds them. Are you not much more valuable than they?

Matthew 6:26 NIV



***

        Huwag tayong mabalisa sa anumang mga bagay na ating pangangailangan. Ang ating ama na nasa langit ang syang magkakaloob ng lahat ng ating mga pangangailangan. Katulad nga ng mga ibon sa parang, sila man ay hindi pinababayaan ng ating Panginoon, tayo pa kaya na higit sa lahat na kanyang nilikha? Kaya't ilagak natin ang ating pagtitiwala sa ating Panginoon at sa Kanya lamang tayo magtiwala ng buong puso at patuloy nating panghawakan ang Kanyang mga pangako, dahil kailanman ay hindi tayo binibigo ng ating Panginoon.


#GodBlessUs 😇❤#day151 ❤#toGodbetheglory


==========================================


Day 152

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Magpakatatag kayo at patuloy na lumago sa pagkakilala sa kanya. Magpakatibay kayo sa pananampalatayang itinuro sa inyo, at lagi kayong magpasalamat sa Diyos.

Mga Taga-Colosas 2:7 MBB05


English:

rooted and built up in him, strengthened in the faith as you were taught, and overflowing with thankfulness.

Colossians 2:7 NIV

***

          Isang panibagong linggo muli, ang ipinagkaloob sa atin ng ating Panginoon Diyos. Magpakatatag tayo sa ating pananampalataya sa Kanya. Sikapin natin na patuloy tayong lumago at tumatag sa ating pananampalataya upang hindi tayo mahiwalay sa Kanya kailanman. Pasalamatan natin Siya sa lahat ng pagkakataon na dumarating sa ating buhay.

#GodBlessUs 😇❤#day152 ❤#toGodbetheglory

365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon