Day 359
Tagalog:
sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit.
Lucas 12:23 MBB05
English:
For life is more than food, and the body more than clothes.
Luke 12:23 NIV
***
Sa mundong ito higit na mahalaga ang ating buhay, kalusugan at ang ating pangangatawan. Kaysa sa mga palamuti sa ating pangangatawan. Ating alagaan ang ating katawan sapagkat ito ang templo ng ating Diyos. Kaya't anuman ang ating gagawin ay ating isaalang-alang ang ating katawan.
#GodBlessUs 😇❤#day359 ❤#toGodbetheglory #KeepUsSafe
=====================================
Day 360
Tagalog:
Sapagkat isinilang ang isang sanggol na lalaki para sa atin. Ibibigay sa kanya ang pamamahala; at siya ay tatawaging Kahanga-hangang Tagapayo, Makapangyarihang Diyos, Walang Hanggang Ama, Prinsipe ng Kapayapaan.Isaias 9:6 MBB05
English:
For to us a child is born, to us a son is given, and the government will be on his shoulders. And he will be called Wonderful Counselor, Mighty God, Everlasting Father, Prince of Peace.
Isaiah 9:6 NIV
****
Ating alalahanin ang pagsilang ng ating Panginoong Hesu Kristo. Siya ay isinilang sa mundong ito upang maging halimbawa ang Kanyang pamumuhay. Mga aral at talinghaga Niya ay gabay sa ating pamumuhay.
Tayo ay tinubos ng ating Panginoong Hesus mula sa ating mga kasalanan na sinumang sumampalataya sa Kanya ay maligtas at hindi mapahamak. Siya ang prinsipe ng kapayapaan at makapangyarihang Diyos at walang hanggang Ama natin.
Kaya't ating ipagdiwang ang araw na ito ng Kanyang kapanganakan at ang pag-ibig at kapayapaan Niya nawa ang Siyang maghati sa ating puso at maging diwa nitong pasko.
Merry Christmas po sa ating lahat 😇❤🎁🎉
#GodBlessUs ❤
#day360 ❤
#toGodbetheglory
#KeepUsSafe
#merrychristmas🎄❤️
#enjoytheholidays🎄 ❤
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...