Day 249
Tagalog:
Ang kayamanang tinamo sa daya ay madaling nawawala, ngunit ang kayamanang pinaghirapan ay pinagpapala.
Mga Kawikaan 13:11 MBB05
English:
Dishonest money dwindles away,
but whoever gathers money little by little makes it grow.Proverbs 13:11 NIV
***
Matamasa mo man ang lahat ng kayamanan ng mundo. Ang karangyaan, salapi at kapangyarihan, ngunit hindi naman sa mabuting paraan ito ay madaling mawawala. Hindi na natin iniisip pa kung tama ba ang ating ginagawa, tanging paghahangad ng kayamanan at kapangyarihan ang kadalasang hangad natin.
Sa paghahangad na maging maangat sa buhay kung minsan ay nasisilaw tayo sa salapi, dahil kapag ating nakamtan na, mas hahangarin pa natin ang mas higit pa sa kung anong nakuha natin, kaya't nakakagawa tayo ng mga desisyon na nakasisira sa ating buhay o maging ng ating pagkatao.
Ngunit kung ating pagsisikapan na makamtan ang lahat ng mga bagay na gusto nating makuha ay atin itong makakamtan. Sapagkat lubos na pinagpapala ng Diyos ang taong masisipag at nagpupursige sa buhay.
#GodBlessUs 😇❤
#day249 ❤
#toGodbetheglory===============================
Day 250
Tagalog:
At sa gitna niyong mga kapulungan, ikaw, O Yahweh, pasasalamatan; pupurihin kita sa harap ng bayan.
Mga Awit 35:18 MBB05
English:
I will give you thanks in the great assembly;
among the throngs, I will praise you.Psalm 35:18 NIV
***
Papurihan at pasalamatan natin ang ating Panginoon Diyos. Dakilain natin siya sa mga kahanga hanga Niyang gawa. Ipagpasalamat natin na binibigyan tayo ng Diyos ng buhay at kalakasan sa Kabila ng mga nangyayari sa ating paligid at buong mundo. Tayo'y Kanyang iniingatan at ginagabayan.
Kaya't ipakita at ipagmalaki natin sa ating Bayan at buong mundo ang kabutihan ng Diyos sa bawat isa sa atin.
#GodBlessUs 😇❤
#day250 ❤
#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
EspiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...