Day 259
Tagalog:
Tayo'y umiibig sapagkat ang Diyos ang unang umibig sa atin.
1 Juan 4:19 MBB05
English:
We love because he first loved us.
1 John 4:19 NIV
***
Palagi nating alalahanin na mahal tayo ng Diyos. Hindi pa man tayo naisisilang sa mundong ito, Kanya na tayong iniibig bago pa man natin ibigin Siya.
Dahil sa pag-ibig Niya sa atin tayo ay umiibig din. Kaya't mamuhay tayo ng may pag-ibig gaya ng pag-ibig ng Diyos sa bawat isa sa atin.
#GodBlessUs 😇❤
#day259 ❤
#toGodbetheglory================================
Day 260
Tagalog:
O Diyos, mga pangako mo'y tinutupad mo ngang lahat, ang dahilan nito, Yahweh, pag-ibig mo'y di kukupas, at ang mga sinimulang gawain mo'y magaganap.
Mga Awit 138:8 MBB05English:
The Lord will vindicate me; your love, Lord , endures forever— do not abandon the works of your hands.
Psalms 138:8 NIV***
Tunay ngang tayo'y magtiwala lamang sa ating Panginoon sapagkat wala pang pangako ang hindi Niya tinutupad. Ang pag-ibig Niya sa atin, kailanman ay hindi magmamaliw at kukupas.
Mabigo man tayo sa mga pangako ng mga tao at ng mundong ito, sa ating Panginoon makakaasa tayo at Hindi mabibigo na tuparin Niya ang lahat ng mga pangako Niya sa bawat isa sa atin. Maging Kailanman ay hindi Niya tayo pababayaan, Magtiwala lamang tayo sa ating Panginoong Diyos na buhay ng buong puso.
#GodBlessUs 😇❤
#day260 ❤
#toGodbetheglory*Happy Birthday sa aming bunsoyyy Joy! God bless you always 😇😘
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...