Day 143
Tagalog:
Ang isang balak na mabilis ay di papakinabangan, ngunit ang planong pinag-aralan ay magtatagumpay.Mga Kawikaan 15:22 MBB05
English:
Plans fail for lack of counsel,
but with many advisers they succeed.Proverbs 15:22 NIV
***
Huwag tayong padalus-dalos ng desisyon, pag-isipan muna natin itong mabuti. Makuha man natin ang mga plano sa mabilisan nating desisyon, ito ay hindi rin magtatagal o magtatagumpay. Kaya't mainam na pag-isipan at pag-aralang mabuti ang ating mga planong ating gagawin. At higit sa lahat ay humingi tayo ng gabay sa ating Panginoon upang gabayan Niya tayo sa ating mga pinaplano sa buhay.
#GodBlessUs 😇❤#day143 ❤#toGodbetheglory
======================================
Day 144
Tagalog:
Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, "Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos."Marcos 10:27 MBB05
English:
Jesus looked at them and said, "With man this is impossible, but not with God; all things are possible with God."
Mark 10:27 NIV
***
May mga bagay na hindi kayang gawin ng tao. Kahit pa nga siya ang pinakamatalino, madiskarte at malakas na pangangatawan, matatag o anumang kagandahang katangian ng isang tao, hindi pa rin nito kayang gawing posible ang lahat ng mga bagay sa mundo. Tanging ang Diyos na makapangyarihan sa lahat lamang, ang makagagawa ng lahat ng bagay. Walang imposible sa ating Diyos! Kaya't 'wag tayong mag-alinlangan bagkus magtiwala tayo ng buong puso sa ating Panginoon.
#GodBlessUs 😇❤#day144 ❤#toGodbetheglory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...