Day 17:
Tagalog:
[8]Aking naririnig mga pahayag na kay Yahweh nagmula; sinasabi niyang ang mga lingkod niya'y magiging payapa, kung magsisisi at di na babalik sa gawang masama. [9] Ang nagpaparangal sa pangalan niya'y kanyang ililigtas, sa ating lupain ay mananatili ang kanyang paglingap. [10] Ang katapatan at pag-ibig ay magdadaup-palad, ang kapayapaan at ang katuwira'y magsasamang ganap.[11] Sa balat ng lupa'y sadyang maghahari itong katapatan, mula sa itaas, maghahari naman itong katarungan. [12] Gagawing maunlad ng Diyos na si Yahweh itong ating buhay, ang mga halaman sa ating lupai'y bubungang mainam; [13] ang katarunga'y mauuna sa Kanyang daraanan, Kanyang mga yapak, magiging bakas na kanilang susundan.
Mga Awit 85:8-13 MBB05
English:
I will listen to what God the Lord says;
he promises peace to his people, his faithful servants—but let them not turn to folly.Surely his salvation is near those who fear him,that his glory may dwell in our land.
Love and faithfulness meet together;
righteousness and peace kiss each other.Faithfulness springs forth from the earth,and righteousness looks down from heaven.The Lord will indeed give what is good,and our land will yield its harvest.Righteousness goes before himand prepares the way for his steps.
Psalm 85:8-13 NIV
Talikdan na natin ang ating mga likong gawa at sikaping mamuhay ayon sa ikalulugod Niya. ☝Ang Diyos kailanman ay tapat sa Kanyang mga pangako. Kung susundin lamang natin ang Kanyang mga panuntunan magiging maayos at payapa ang ating pamumuhay. Ipagkakaloob Niya ang mga pangangailangan natin at hindi Niya tayo pagkukulangin kailanman. Siya ☝ang ating magiging gabay sa lahat ng oras saan man tayo magpunta. Tayo'y Kanyang ililigtas sa oras ng pangangailangan. Lagi natin Siyang ☝parangalan at itaas ang Kanyang pangalan. Palagi nating pasalamatan Siya sa Kanyang mga kahangahanga gawa sa ating buhay. Purihin natin Siya dahil si Yawheh ang Diyos na buhay dakila Siya magpakilanman.
#GodBlessUs 😇❤
#day17 ❤
#toGodbetheGlory==============================
Day 16:
Tagalog:
Mapalad ang mga taong tumatanggap ng pangaral, silang sa iyo'y tumatanggap ng turo sa kautusan. Pagkat sila'y magdaranas ng kapahingahan, hanggang yaong masasama'y mahulog sa kanilang hukay.
Mga Awit 94:12-13 MBB05
English:
Blessed is the one you discipline, Lord, the one you teach from your law;you grant them relief from days of trouble,till a pit is dug for the wicked.
Psalm 94:12-13 NIV
Tunay na kapag ang tao ay marunong tumanggap ng payo lalo na kung ito'y payo na mula sa Panginoon ☝ kailanman ay makakararanas ito ng kapayapaan sa buhay. Magiging matiwasay ang kanyang pamumuhay. Hindi tulad ng mga masasama ang buhay ay walang kapayapaan at mahuhulog lamang sa sarili nilang hukay.
#GodBlessUs 😇❤
#day18 ❤
#ToGodbetheGlory
BINABASA MO ANG
365 Days of Bible Verses (2020)
SpiritualBible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verses mean to me. I hope we grow in our faith together. I'm sorry for my grammar and I hope I will impro...