Day 137 & 138

74 1 0
                                    


Day 137

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ituro mo sa akin, Yahweh, ang iyong kalooban, at ang iyong landas, sa akin ay ipaalam.Mga Awit 25:4 MBB05



English:

Show me your ways, Lord,
teach me your paths.

Psalms 25:4 NIV



***

        Palagi tayong humingi ng tulong sa ating Panginoon kung ano ang Kanyang kalooban sa bawat isa sa atin. Sa pamamagitan ng panalangin, palagi natin Siyang kausapin at humingi tayo sa Kanya ng gabay at upang hindi tayo mahiwalay sa Kanya kailanaman.


#GodBlessUs 😇❤#day137 ❤#toGodbetheglory


======================================


Day 138

Tagalog:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Tagalog:

Ako'y iyong siniyasat, batid mo ang aking buhay, ang lahat kong lihim, Yahweh, ay tiyak mong nalalaman. Ang lahat ng gawain ko, sa iyo ay hindi lingid, kahit ikaw ay malayo, batid mo ang aking isip. Ako'y iyong nakikita, gumagawa o hindi man, ang lahat ng gawain ko'y pawang iyong nalalaman. Di pa ako umiimik, yaong aking sasabihi'y alam mo nang lahat iyon, lahat ay di malilihim. Ika'y laging kapiling ko, katabi ko oras-oras, ang likas mong kalakasan ang sa aki'y nag-iingat. Nagtataka ang sarili't alam mo ang aking buhay, di ko kayang unawain iyang iyong karunungan.Mga Awit 139:1‭-‬6 MBB05



English:

For the director of music. Of David. A psalm.

1 You have searched me, Lord,
and you know me.
2 You know when I sit and when I rise;
you perceive my thoughts from afar.
3 You discern my going out and my lying down;
you are familiar with all my ways.
4 Before a word is on my tongue
you, Lord, know it completely.
5 You hem me in behind and before,
and you lay your hand upon me.
6 Such knowledge is too wonderful for me,
too lofty for me to attain.

Psalms 139:1-6 NIV



***

        Ang lahat lahat sa atin ay alam ng ating Panginoon. Palagi Niya tayong binabantayan at sinusubayan mula sa kalangitan. Siya ang unang umiintindi o umuunawa sa bawat isa sa atin. Ang Panginoong Diyos ang una ring nagpapatawad sa 'ting mga kasalanang nagagawa, lihim man to hayag. Batid Niya ang mga nangyayari o mga pinagdadaanan natin sa buhay. Maging sa panahong tayo'y masaya o malungkot, kung may dalamhati o kasawian o maging sa ating mga tagumpay sa buhay, Siya'y lagi nating kaagapay. Kahit tayo'y paulit-ulit na nagkakasala, paulit-ulit Niya rin tayong pinapatawad at binibigyan ng pagkakataong magbago at talikdan ang mga liko nating gawa. Maaring hindi natin maunawaan o matarok ang Kanyang kaisipan ngunit kung tayo'y buong pusong sa Kanya ay mananangan at susundin ang Kanyang kalooban tayo ay kailanaman ay Kanyang iingatan at aalagaan dahil mahal tayo ng Panginoon at mahalaga ang bawat isa sa atin.


#GodBlessUs 😇❤#day138 ❤#toGodbetheglory #MyDay 💛#ThankYouLordForAnotherYearOfLife 🙌


365 Days of Bible Verses (2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon